PROLOGUE

1.2K 23 7
                                    

"ARE YOU SURE?" May pagdududang tanong ng kaibigan niyang si Kyline. "Pinayagan ka talaga nina Tita at Tito?"

"Oo nga, ang kulit naman nito. Huwag mo na silang isipin at mag-enjoy na lang tayo. Okay?" Patuloy lang ang pagsayaw niya sa malakas na tugtugin.

Ito ang unang beses na napunta siya sa isang bar. She never once dared kasi medyo strict ang mga magulang niya. Pero kasi huling taon na niya sa college kaya gusto niya namang ma-experience ang mga naeexperience din ng mga kaedaran niya.

Caila wanted to party and drink, she wants to mingle with people and have some semi-wild fun. Besides, pinayagan naman siya ng mga magulang niya noong nagpaalam siya. Nasa Berlin ang mga ito kaya mas madali siyang nakapagpaalam.

"Si Kuya mo? Takot ako dun eh." Natawa naman siya sa sinabi ng kaibigan. Hanggang ngayon pala ay takot pa din ito sa nakakatanda niyang kapagid. Sabagay, sino ba sa mga kaibigan niya ang hindi takot kay Ace Nikolai Cojuangco? He's...well he's difficult.

"Busy yun. Hayaan mo siya. Wag ka ngang OA diyan, di ka naman sasaktan ng ahia." She smiled before taking a sip from her cocktail. "Kuya doesn't hurt girls...physically. It's the way he looks at you that's scary."

"Hi," napalingon si Caila sa gilid niya. May isang lalaki dun na nakatayo. He's good looking and his awkward smile made him kinda more attractive. "Would you mind if I buy you a drink?"

"I would." She smiled. Ayaw niya ng posibilidad na mapahamak kaya drinks from strangers are a big no. "Malay ko ba kung anong gagawin mo sa inumin ko."

"Fair point." He smiled again, ngayon mukhang amused na talaga. "Ako nga pala si Seb."

"Caila, and this is Kyline." Turo niya sa kaibigan. "I probably won't mind kung sayaw ang iaalok mo."

"Then a dance it is." He said. Inialok pa nito ang kamay at masaya naman niyang tinanggap iyon.

She's not your typical sweet and demure girl. Despite having strict parents ay medyo liberal ang view niya sa mundo. Caila's the type of girl who will not be afraid to show some skin and dance a little bit recklessly. She knows her limits kaya naman hindi siya natatakot na she might over do things.

"I'm Seb, by the way." Sabi sa kanya nito nang mag-aya siyang magpahinga at samahan uli si Kyline. Pero nakita niyang may kausap din itong iba so she just sat again and so did Seb.

"Caila," she offered her hand.

"I like you," ngumiti ito muli. Nagulat pa nga siya sa sinabi nito bigla eh.

"You drunk?" She laughed.

"Probably," tumango-tango pa ito. "Probably drunk in you."

Napaka-korny naman nga ng isang to. "This has got to be the cringiest thing you did. Tell me. Tell me." Natatawa pa din siya habang pinapanood ito. He looks kind of fascinating too.

"I think this ranks up there."

"So natural na pala sayo ang maging cringey?" She asked.

"Only if I like the girl." He explained. "Can I get your number?"

"Wow, persistent ah. Baka may iniwan kang friends somewhere here ah. Baka hinahanap ka na." Caila looked around.

"They're having their own fun. Mas masaya dito, I'm getting to know the prettiest girl in this place." He smiled and raised his drink as if to offer some toast.

She actually enjoyed her time with Seb. He is funny and quite smart as well. Walang topic na wala itong na-share. Their conversation went on at nauna pa ngang umuwi si Kyline kasi inaantok na ito at nagpasundo na lang sa ate nito. Naputol lang ang usapan nila ni Seb ng tawagan siya ni Aiken, ang bunso niyang kapatid. He said that their older brother is on a flight back home from Singapore.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Thunder Struck [SOON!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon