Dedicated to qwertymadness. thank you at nagustuhan mo ung 1st one shot na nagawa ko! para sau to! mapagtsagaan mo rin sanang basahin. haha. em still waiting sa sequel ng sungit. meron ba? hehe. magustuhan mo rin sana 'to! thank you!
Stephanie's POV
"Hi Miko!" masiglang bati ko kay Nathan nang makita ko syang nakaupo sa may sala ng bahay namin. isa sa mga malalapit na kaibigan ng kambal ko, ni kuya Stephen. kuya ang tawag ko sa kakambal ko para mas magmukha akong mas bata kesa sa kanya. wahaha.
Nagtataka lang ako kung bakit hindi ata nila kasama ngayon si Mhae. si Mhae ang bestfriend ni kuya na naging kaclose na rin ni Nathan. sa tingin ko may something si kuya kay Mhae at ganun din si Mhae dito. kaya nga hindi ko magawang magselos sa kanya eh. haha.
Kung iniisip nyo kung bakit ang dami kong alam tungkol sa kanila, isa lang ang sagot. isa kasi akong dakilang chismosa kaya ganun. hehe.
Mabalik tayo kay Nathan ( ang layo na ng narating ng kwento ko! pasensya naman! ). ayun, magkasalubong na naman ang mga kilay paglingon nya sa'kin. ok lang. sanay na rin naman ako eh.
"Ah Miss, Nathan po ang pangalan ko at hindi Miko." sagot nya na may halong pagkairita. ang sweet nya talaga nu? iba sya maglambing eh. unique!
Nagtataka siguro kayo kung bakit Miko ang tawag ko sa kanya, eh ang layo naman nun sa Nathan diba? simple lang, Miko short for MINAMAHAL KO. oh diba? inaangkin ko na sya ng hindi nya alam. wahaha. you're so brilliant Stephanie!
"Alam ko, Miko!" diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko ng Miko. lalo tuloy syang nairita. haha.
"Ba't ka nga pala nandito? Miss mo na ko?" ako kasi miss na miss na kita. asa pa kong un ang reason nya. sorry naman. feelingera lang!
"Alam mo Steph, wala akong panahon para makipagbiruan sa'yo." mahina pero madiin nyang pagkakasabi. halata na talaga sa mukha nya ang inis. pero atleast naman, kinakausap nya ko kahit ganun. sabi kasi nila kuya sa school daw wala 'tong kinakausap maliban sa kanila ni Mhae.
"Ha? sinong may sabing nakikipagbiruan ako? Ipakakagat ko sa mga alaga kong hamster." seryoso kong sabi sa kanya. hindi na maipinta ang mukha nya. anu na naman bang nasabi ko?.
"Pinagtitripan mo na naman ba si Nathan, Stephanie?" tanong ni kuya. nakabalik na pala sya galing sa kwarto nya. ano kayang nakain ni kuya at mukha syang tao ngayon?
"Kelan kita pinagtripan, Miko?" baling ko kay Nathan.
"Maghanap ka ng kausap mo." walang gana nyang sagot.
"Bakit ba Miko ka ng Miko ha, Stephanie?" si kuya naman parang hindi alam. sabagay, hindi nga nya alam. haha.
"Basta! sya si Miko!" sabi ko na lang.
"Bahala ka na nga lang. sige, aalis muna kami ni Nathan. baka gabihin na ko ng uwi. nakapagpaalam naman na ako kina mama. maiwan ka na muna namin. tara na pre." akma na silang aalis ng hawakan ko ang laylayan ng damit ni kuya kaya napahinto sya sa paglalakad.
"Kuya, san ba kayo pupunta? sama na lang kaya ako?" pakiusap ko kay kuya. mahirap na. baka maraming babae sa pupuntahan nila. maagaw pa sa'kin si Nathan ko!
"Hindi pwede. bawal ang mga isip-bata sa pupuntahan namin. kaya dito ka na lang." kontra ni Nathan. sinong isip-bata ang sinasabi nito? hwag nyong sabihing. . . . . ako??
"Hoy Mister! paki-ulit nga yung sinabi mo?!"
"Ang sabi ko, bawal ang isip-bata sa pupuntahan namin." aba't talagang inulit nga!
BINABASA MO ANG
Si Miko at si Miako (One Shot)
Short Story'kwento ni miko at miako. para syang connected sa nauna kong one shot pero hindi naman. ang gulo ko. basahin nyo na lang. mamats!