Hello. Ako si Roland.Nakatira sa isang ISKWATER. Isang masipag na bata na ngangarap maging isang matagumpay na Financial Manager. Mayroon akong dalawang kapatid si Ram na 7 year old boy at si Ron na na isang 8 months old.
- Katapusan ng Buwan ng Hunyo -
Katapusan na ng Buwan nagpadala si Tatay Kardo ng pera mula sa Dubai para matustusan ang aming pag-aaral at ang sanggol naming kapatid. Nagpunta kami sa Mall upang mag LATE SHOPPING para sa aming PAGPASOK (mag-hu-HULYO na ngunit ngayon palang kami papasok). Naisipan ni Nanay na bumili ng isang walker para sa aming kapatid na si Ron upang matuto na syang maglakad. Nasiyahan kami sa walker sapagkat ito ay kulay dilaw at tumutunog pa, O diba High - Tec noh? Nararamdaman ko rin ang kasiyahan ni Ron sa bago nyang gamit. Kumain kami sa Jollibee at pagkatapos non ay umuwi na kami sa aming BARONG-BARONG.
BINABASA MO ANG
Ano ka nga ba?
Short StoryGusto lang naman namin ng isang Walker para sa aming bunso ngunit bakit kailangan pang may kababalaghang pumasok sa aming bahay. Kung ano ito. ALAMIN.