Dear J,
Sumulat ako dahil gusto kitang batiin, ikaw at ang kasalukuyan mong kasintahan. Nakita ko ang larawan ninyong dalawa sa facebook. Parang ang saya-saya mo habang kasama mo siya.
That's good. I'm happy for you, ibig sabihin ay naka move on ka na sa ikalawa mong nakarelasyon.
Mukhang sa pagkakataong ito ay seryoso ka na sa kaniya. Sana ay magtagal ang inyong pagsasama.
Nabasa ko nga pala ang komento ng mga kaibigan natin sa post mo, binanggit nila ang pangalan ko nang may halong biro, pero J, ang seryoso mo naman masyado, you just ignored it na parang hindi mo nabasa. Hindi ba't may bago ka ng karelasyon? Dapat okay na tayo, pero bakit ganyan ka J?
Nagsend ako sa'yo ng friend request pero tinanggal mo iyon at ginawa mong pribado ang account mo. Inisip ko na ayaw mo na akong maging kaibigan. Bakit J? Hindi na ba talaga pwede? Wala na bang pag-asa?
Ayawko na sanang alalahanin pa ito J, pero alam mong sa ating dalawa, ako dapat ang galit at hindi ikaw! Pero heto ako, pakumbabang lumalapit sa'yo, kahit na ikaw ang dahilan kung bakit nagwakas tayo. Ang sakit J, sobra at mas masakit na hindi na rin tayo pwedeng maging magkaibigan!
J, nanghihinayang ako dahil isa ka sa importanteng tao sa buhay ko. Ikaw ang nasasabihan ko ng mga sikreto ko at nasasandalan ko sa tuwing pakiramdam ko'y pasan ko ang mundo at lalaglag na ang mga luha ko. Ayawkong masira ang pagkakaibigan natin kaya kahit may nararamdaman ako para sa'yo, pinigilan ko 'yon.
Pinigilan ko hanggang sa makapagtapos tayo ng pag-aaral.
Sa araw ng ating pagtatapos, hindi ako nakatiis, inamin ko sa'yo ang feelings ko, kasabay ng pagpapaalam dahil sabi mo, doon ka na mamamalagi sa kumbento.
J, nadurog ang puso ko, dahil alam ko, wala akong karapatang tutulan ang naging pasya mo.
At sa unang pagkakataon, bumitiw ako. Bumitiw ako para sa pangarap mo.
Lumipas ang dalawang taon, isang tawag ang natanggap ko mula sa'yo. Hindi ako makapaniwala J.
Dalawang taon akong nangulila sa'yo at nanabik na marinig ang boses mo, kaya naman sobra ang saya ko nang sinabi mong nagbago ang iyong desisyon, sa halip ay sa kolehiyo ka pumasok at hindi sa kumbento.
Gusto kong humiyaw! Gusto kong tumalon! Dininig ni Lord ang prayers ko. Ibinalik ka Niya sa akin.
Lumipas ang ilang buwan na puno ng saya at pagdadamayan, kahit magkalayo tayo sa isa't-isa.
Hanggang sa sumapit ang aking ikalabing-walong kaarawan. Wala akong party at nagsimba lamang ako nang araw na 'yon, pero iyon ang pinakamasayang birthday ko, dahil natanggap ko mula sa'yo ang pinakaaasam asam kong regalo, walang iba kung hindi ang puso mo.
Ang puso mo J.
Hindi ako makapaniwala nang ipahayag mo na gusto mo rin ako, na pareho tayo ng nararamdaman.
Natakot ako dahil maaaring maapektuhan ang ating pagkakaibigan, pero naniwala ako na totoo ang nararamdaman natin, na magtatagal tayo, magiging matatag at mas magiging masaya.
Gusto kong makita kang laging masaya. Kaya sa ikalawang pagkakataon, bumitiw ako.
Bumitiw ako sa pagkakaibigan natin.
At naging tayo.
Walang pagsidlan ang saya ko J, kahit madalang lamang tayong nakakapag-usap at magkalayo tayo. Kinikilig ako sa tuwing tinatawag mo akong "mahal", na dati'y pangalan ko lamang.
Kinikilig ako sa tuwing sinasambit mo ang mga salitang " I love you", habang tayo'y magkausap sa telepono.
Naisip ko, tama ang desisyon natin, na bitiwan ang pagkakaibigan at tumawid sa hangganan papasok sa isang makamundong relasyon, ang pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Une lettre À Mon J
AcakDear J, Nakita Kita sa mental hospital, nakatayo ka sa isang sulok at sa iyong kamay ay naroon ang isang papel na naglalaman ng aking liham. Halos mapunit at malukot ang papel sa iyong mga kamay at ang luha'y kumakawala sa iyong mga mata... H'wag mo...