Huli Na

37 5 3
                                    



Lahat ng tao ay umiibig.


Hindi natin maiiwasang magkagusto.


Kahit ito ay pangit, mataba, o may edad na malaki ang agwat sa'yo, kapag mahal mo, mahal mo talaga.


Hindi natin matuturuan ang puso kung sino ang mamahalin nito. Dahil kusa itong magmamahal----kahit na sa maling tao.


Ang dapat mo na lamang gawin ay ipaglaban ang iyong pag-ibig.


"Juliet!" Tawag ni Romeo sa kaniyang matalik na kaibigang babae.


"Oh Romeo, bakit ang tagal mo? Nauna nalang tuloy ako." Sabi naman ni Juliet na huminto para maabutan siya ng kaibigan.


Hingal na hingal na nakarating si Romeo sa kinaroroonan ni Juliet.


"Ano.. may binili kasi ako para sa'yo." Sabi ni Romeo saka inabot ang isang long-stemmed rose kay Juliet.


Bigla namang naramdaman ni Juliet ang malakas na pagtibok ng puso niya. Ramdam niya rin ang pag-init ng kaniyang mga pisngi.


"S-Salamat." Tugon ni Juliet sabay umiwas ng tingin. Hindi niya maiwasang isipin na baka may gusto sa kaniya ang binata.


Madalas kasi siya nitong binibigyan ng mga rosas.


Ngunit, iniisip din niya na baka naga-assume lang siya dahil lagi na lamang itong may palusot.


"S-Sabi kasi ng mama mo na malungkot ka raw kaya naisipan kitang bigyan niyan kasi alam kong mahilig ka sa rosas." Napangiti si Juliet dahil sa sinabi ni Romeo.


Naging malungkot si Juliet dahil nalaman niyang lilipat na sila sa ibang bansa bukas. Malalayo siya kay Romeo.


Ayaw niyang malayo sa binata sapagkat ito ay kaniyang nagugustuhan. Hindi gusto bilang kaibigan kundi mas higit pa doon.


"Okay na ako, Romeo." Ngiting malungkot na sabi ni Juliet.


Nagulat na lamang siya ng bigla siyang yakapin ni Romeo.


"Juliet.. hindi ko kayang makita kang malungkot. Kung ano man iyang bumabagabag sa isipan mo, pag-usapan natin mamaya. Ayos ba?" Tumango na lamang si Juliet ng may ngiti sa kaniyang labi habang yakap siya ni Romeo.


Kinuha naman ni Romeo ang kamay ni Juliet at pinagsiklop ang kanilang mga palad. "Tara na?" Nakangiting tumango si Juliet. Mami-miss niya talaga si Romeo.




Pagkatapos ng klase ay nag-usap ang dalawang magkaibigan sa loob ng library.

Huli Na (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon