Through The Dream

12 0 0
                                    

I am Claudette Jamilla naniniwala ako sa mga fantasy drama pero hindi ko aakalaing ang mga fantasy na pinaniniwalaan ko lang ay biglang nagkatotoo sa aking buhay. Isang panaginip ang bumago sa aking buhay hindi ko alam kung maniniwala kayo pero kahit ako naguguluhan rin sa nangyayari sa aking buhay. Pero ito lang ang alam ko, mahal ko siya wala man siya sa reality pero mamahalin ko parin siya kahit na sa panaginip ko lang siya nakakausap at nakikita.

"Walang imposible sa taong nagmamahal at ang lahat ng imposible ay pwedeng posible ".

Isang gabi na hinding hindi ko makakalimutan dahil itong gabi na ito ay isang misteryo sa akin.

"Nasaan ako? Ang dilim wala akong makita?! ". Takot na takot ako at nangangamba dahil ako ay nasa isang lugar na kung saan ay walang liwanag, isang madilim na lugar.

"may tao ba diyaan? Magsalita ka kung meron? Plsssss lang!!??. " malapit nang tumulo ang luha ko ngunit may isang bagay na nagliwanag at akin itong nilapitan.

Nung una natakot ako sa bagay na iyon dahil isang kahon na maraming patak ng dugo at mukhang luma na ito. Hindi ko napigilan buksan ang kahon, nang buksan ko ito may nakita akong dalawang liham.

"Minamahal kong Floresca,
Noong una palang kitang makita para bang ikaw na ang may hawak ng mundo ko. Sa tinataglay mong kagandahan at kagandahang asal na ipinapakita mo sa akin labis pang nahulog ang puso ko sayo. Sa tuwing akoy titingin sa ulap, dagat at bulaklak ikaw ang aking naiisip at para bang ikaw na ang nais kong ipinta. Mahal na ata kita floresca.

Nagmamahal,
Pierre Richard "

I yan ang unang sulat na aking binasa at mukhang ito ay sulat ng pagmamahal.

"Minamahal kong Floresca,

Alam mo bang napakasakit ng iyong ginawa, Akala ko ikaw na ang magiging mundo ko ngunit nagkamali ako sayo. Niloko mo lamang ako at pinaniwala sa mga pangko mo na ipaglalaban mo ang ating pag iibigan ngunit hindi ako ang ipinaglaban mo kundi si Remegio ang pinakamayaman sa ating bayan. Floresca tandaan mo hindi ko makakalimutan ang panahong ito, ang panahong niloko mo ako at sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo ito.

Gumagalang,
Pierre Richard

Ito ang pangalawang sulat na aking binasa. Isang sulat ng pagtataksil at kalungkutan at ang sulat na ito ay may mga patak din ng dugo na para bang ito ay galing sa paghihirap. Napahinto ako sa aking pag iisip sapagkat may narinig akong isang boses, boses na para bang nanghihingi ng tulong at nagulat nalang ako nang biglang nawala ang liwanag at ang kahon. Bigla nagdilim ulit at........

"AAHHHH!! PIERRREEE!! "...... Nagising nalang ako bigla sa aking pagkakatulog. "Anak, bakit anong nangyari sayo!? " . Sabi ng aking mama at halata sa mukha niya ang pagkakagulat nang dahil sa aking pagsigaw. "Ma bakit po kayo nandito? May nangyari po ba? ". Palusot ko nalang para hindi ako mapagalitan (sabay tawa ng mahina).

"Anong oras na oyy prinsesa, may pasok kapa diba!? ". Tumayo na ako sa kama baka kasi sigawan pa ulit ako ni mama eh.

Ginawa ko na lahat ng gawain at pagkatapos ay inayos ko na yung mga gamit ko papuntang school. Hayyysss naku naman pasukan nanaman stress na naman syempre.

" Wooyy! Claudette! ". Sino yun sinigaw pa name ko ah. Nilingon ko yung tumawag sa akin and then. "Wooyy ! Coreen ikaw pala yan, grabe ka naman makasigaw sa pangalan ko oh (sabay tawa) ". Kaibigan ko si coreen and childhood friend ko rin siya kasi simula pagkabata kasama ko na yan eh (sabay tawa ng mahina)

"Best bakit ang tagal mo?  Sabi ko bilisan mo at agahan eh". Pagkatapos akong sermonan ni mama ngayon si coreen naman.

"Na late ako ng  gising te, ewan ko nga kung bakit eh hahaha". Palusot ko nalang sa kanya.  "Pasok na tayo best baka ma-late pa tayo eh. "

First day of school again and asahan na nating marami nanamang new tranferries. Isang taon nanamn ang lumipas at isang taon na naman ang nadagdag.  3rd year High school na ako so 1 year nalang ako sa school ng San Ford Academy. Sana may kaibigan naman akong lalaki ngayong taon. Yung mga kaibigan ko last year wala na lahat sila nagtranferr at ako, si coreen at si Zariyah, kami nlang ang natira sa barkada.

Sabi nga nila" Kapag may umalis may dadating, kapag may nabawas may dadagdag. " Nakakalungkot man pero kailangan parin maging masaya dahil hindi pa naman ito ang katapusan ng pagkakaibigan namin at magkikita kita pa rin kami hahahahaha masyado lng akong OA ahahha.

"Bakit wala pa si zariyah te? ". Tanong ko sa kanya at nagtaka rin ako kasi siya ang pinaka maaga magising sa aming tatlo eh.

"Hindi ko nga alam kung bakit wala pa si zyzy eh. " sagot niya sa tanong ko. " Una nalang kaya tayo tapos daanan natin siya bago tayo umuwi". Sabi ko kay Coreen at pumayag naman siya eh.

Naghiwalay na kami ni coreen dahil magkaiba kami ng room t section. "Coreen mamaya vacant kita tayo sa canteen or sunduin mo ako pagkatapos ng klase mo". Sabi ko sa kanya bago kami tuluyang maghiwalay at tumango naman siya.

Pumasok na ako sa clasroom namin at pagkapasok ko may sumalubong sa akin at nagkabungguan kami, dahilan para mapahiga kaming dalawa sa sahig. "Aray ko!  Kuya naman hindi tumitingin sa dinaraanan eh! ". Sabi ko sa lalaking nakabunggo sa akin.

"sorry miss ah... Kung saan saan ka kasi nakatingin kaya kita nabunggo". Sabi niya sa akin at parang ako pa yung may kasalanan ah. 

Umalis nalang ako at naghanap ako ng magandang pwesto, gusto ko yung pwestong tahimik at makakapagfocus ako sa mga babasahin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Through The DreamWhere stories live. Discover now