TANGA

16 4 0
                                    

Naghihintay ako sa'yo,
Kay tagal naman
Pag-ganito.

Nakatayo sa kalsada,
Hihintayin ka
Hanggang dulo.

Umulan na ngunit
Wala ka pa,
San ka na aking sinta?

Mukha nakong tanga
Sa kalsada,
Nakatayong estatwa.

Giliw ko, titiisin ko.
Ganito ako
Dahil sa'yo.

Ang dilim na ng paligid;
Ang mga ibon ay
Umaawit.

Mga dahon ng puno,
Nagsasayawan na
Sa'king paligid.

Lumipas limang oras,
Sumuko na'ko.
Walang kuwenta to!

Umuwi ako
Galit na galit.
Sobrang inis, kung bakit?

Di ka sumipot
Aking sinta,
Tuloy nakakamiss na.

Pumatak luha ko
Nung natandaan ko na,
Di na pala.

Wala na pala tayo,
Umasa pa'ko
Na maging tayo.

Tanggapin ko na lang
Na wala na;
Ako ngayon ang Tanga.

"TIPS para hindi na MASAKTAN" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon