Hindi kita mahal
nung niligawan kita,
Wala lang akong magawa
kundi tanggapin ka.Akala ko trip-trip lang,
nang tumagal nagka-seryusuhan.May mahal na'kong iba
nung hindi pa tayo,
Di niya lang ako pinapansin
nung naging tayo.Gusto ko lang talagang maranasan
na mahalin ako ng buong-buo tulad mo.Napagtanto ko na hindi pala kami bagay
ng babaeng araw-araw kong hinahangaan,
Ngayon ko lang tuloy nalaman
na minahal mo pala ako ng tunay.Isang araw nagkakita tayo,
nabigla ako nang sinabi mong “Wala na tayo!”.Patawad kong hindi ko sa'yo
nabigay lahat,
Buong pagmamahal ko
na dapat mong maranasan.Alam kong meron akong kasalanan,
Hindi mo ba'ko pagbibigyan?Huli na ang lahat
ng mahalin kita,
Bumitaw ka.
para ako'y liligaya.Nagsisi ako sa ginawa ko,
gusto kong ibalik yung panahong mahal mo pa'ko.Dadalhin ko ito ang pagsisi na'to
habang buhay hanggang sa huling hininga ko;
Dahil inilalarawan nito
ang buong pagkatao ko.

BINABASA MO ANG
"TIPS para hindi na MASAKTAN"
Teen FictionTips po para sa mga laging NALANG NASASAKTAN At may QUOTES narin :)