Load-Chapter 7

178 16 0
                                    

  Alex's Point of View

Nagising ako ng nasa tabi ko si Kate, hawak ang phone ko. Agad akong napatayo kaya naman napatingin sa gawi ko si Kate.

"Kuya, hehe," sabi ni Kate sabay tago ng phone ko.

"Anong ginagawa mo dito tsaka bakit mo hawak ang phone ko?" Tanong ko habang nagkukusot ng mata.

Tinignan ko ang orasan at 9:13am na pala. Mukang napasarap ang tulog ko kagabi.

"Ahh, tinignan ko lang kung may laro, hehe, sige una na ko Kuya, nonood pa ako ng Loud House," pagkasabi niya nun ay tumayo siya at umalis.

"Weirdo," sabi ko nalang bago tumayo at ginawa ang morning rituals ko.

--

Narito ako ngayon sa kusina habang kumakain ng agahan ng dumating si Mama mula sa Banyo dito sa baba. May banyo rin dito sa baba pero may banyo rin sa kwarto naming lahat.

"Anak, mamalengke muna ako, babalik ako agad," sabi ni Mama.

Tumango na lamang ako dahil may laman pa ang bibig ko. Nauna na si Mama at umalis ng may dalang bayong.

"Kuya?"

Lumingon ako at nakita si Kate sa may hagdanan.

"Bakit?" tanong ko matapos lumunok ng kinakain.

"Pagkatapos mo dyan, diligan natin yung mga tinanim natin ah?" Sabi niya at tumango na lang rin ako.

Pumunta naman siya sa Salas. Hindi ko pa pala nadedescribe yung bahay namin. Meron itong 2nd floor, which is, obviously, nandun ang mga kwarto namin nina Mama, Kate at ang gwapong bida ng storyang ito.

Pagpasok mo sa pinto ay bubungad sa iyo ang salas na binubuo ng ilang bookshelves, tv na flat screen, isang mahabang sofa at dalawang one seater na sofa at isang glass table.

Sa kabila ng Salas ay ang kusina, bale pinaghiwalay sila ng isang makapal na pader. Sa kusina nandito ang isang mahabang mesa na kasya ang 6 na tao, narito rin yung mga lutuan syempre kasi nga kusina ito, tapos ref na wala ng laman, kaya nga nag grocery si Mama eh.

Sa gilid ng hagdan ay ang main bathroom.

Natapos ko ang pagkain at paghugas kaya naman pumunta na akong salas par tawagin si Kate na busy nanaman sa panonood.

"Kate, tara na," aya ko.

Tumayo naman siya at pinatay ang telebisyon saka sumama sa akin. Nang makarating sa bakuran ay kumuha na kami ng mga pandilig. Hindi malaki ang bakuran, sakto lang. Pero ang malupit ay nasa gilid ito ng bahay.

Nagsimula na kaming magdilig ng tahimik.

"Kate?" tawag ko kay Kate na busy.

"Oh?"

Tignan mo itong batang ito, hindi manlang ako ginagalang.

"Close na ba kayo ni Ate Therese?" tanong ko.

"Hindi po," sagot niya.

"asdfghjklzxcvbn," hindi ko na narinig ang sumunod niya sinabi dahil binulong niya lang ito.

"Ano yon?"

"Ah, wala Kuya, sabi ko ang pogi mo."

"Alam ko na yon, hahahaha!"

--

Kate's Point of View

Kung hindi kayo tanga, malalaman niyong ako ang nagtext kay ate Therese ng pagkikita sa Park. Gusto ko kasi siya para sa Kuya ko, bagay sila so ishiship ko sila.

Ginawa ko yon para naman magsimulang lumayag ang barkong shiniship ko. Hohoho.

"Kate?"

"Oh?"

"Close ba kayo ni Ate Therese?"

"Hindi po."

"Pero sa gagawin ko, oo magiging close tayong tatlo," bulong ko.

Feeling ko tuloy match maker ako eh.

"Ano yon?" Tanong ni Kuya. Agad akong nag isip ng ipapalusot.

"Ah, wala Kuya, sabi ko ang pogi mo," sabi ko na lang.

"Alam ko na yon, hahahaha!"

--

Alex's Point of View

Nakarating na si Mama bago mag tanghalian. Nakakain na rin ako kaya narito ako sa tapat ng laptop ko at nanonood ng kdrama.

Hindi ako bakla, gusto ko lang talaga manuod kung bakit kinakaadikan itong kdrama na ito hanggang sa ayon, naadik narin ako.

*bzzt!*

Hindi ko inalis ang aking tingin sa laptop habang kinukuha ko ang cellphone ko.

2:45pm ng hapon. Mga 3 oras na rin pala akong nanonood dito, hindi ko manlang namamalayan ang oras. Jusko. Tinignan ko ang message at nagulat ng makita ito.

From: Therese
Nandito na ako.


"ANONGGGG?!!!" napasigaw ako ng makita ang text kaninang umaga.

Sa pagkakatanda ko, hindi ko pa siya tinetext mula umaga hanggang ngayong hapon.

Naalala ko kanina si Kate na hawak ang cellphone ko kanina. Kaya pala ang weirdo niya kanina.

"KAAAATEEEE!!!" inis na sigaw ko.

"Hoy, alex! Ano bang sinisigaw mooo!!?" sigaw ni Mama mula sa baba.

"Hi Kuya, tara na!" Napatingin ako kay Kate na nasa pinto ko at nagpoker face.

Nakaready na kasi siya, bwisiiit. Ano to? Surprise?

--

Inis akong naglakad kasabay si Kate na nakangisi lang at pormang porma pa. Ang sarap suntukin pero syempre baka suntukin rin ako ni Mama at magka black eye pa ang pogi kong mukha kaya wag nalang.

After ng ilang minutong paglalakad, yes, lakad, walking distance lang naman kasi mula sa bahay namin ang Park, ay nakarating na rin kami sa wakas.

Tinext ko si Therese dahil aabutin kami ng ilang oras kung hahalughugin namin siya dito sa Park.

To: Therese
Nasaan ka?


Sent!

Naghintay ako ng sagot niya habang nakaupo kami sa isang bench na nakita namin, narito kami malapit sa Entrance.

*bzzt!*

From: Therese
Nasa may playground, sa swing.


"Tara sa playground," aya ko kay Kate atsaka binulsa ang aking cellphone.

"Alam mo ba kung nasaan ang playground? Kabisado mo to? Kabisado mo?" Sarkastikong sabi ni Kate kaya naman napahinto ako.

Oo nga no?

"Bakit ikaw? Alam mo? Alam mo?" Ganti kong asar pero ngumiti lang siya sa akin at tumango.

Sinenyasan niya akong sumunod habang ako naman ay napanganga. Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod ako.

"Paano ka naman makakasiguro na hindi mo tayo ililigaw?" Tanong ko kay Kate.

"Doon po kasi ako napadpad nung biglang nawala yung Kuya ko," sarkastikong pahayag niya.

Minsan nagtataka talaga ako eh, parang mas matanda pa siya sakin kung umasta, ni hindi manlang ako pinopo. Pero mahal ko yan si Kate.

Nanatili kaming naglalakad habang ako naman ay sumusunod lang sa kaniya. Hindi nagtagal ay natanaw ko na ang playground at ang swing.

Sheeeeet of paper! ANG GANDA NI THERESE. Pakidi pak pak.

--

Author's Note:

Bitin? Sorry na. paikli ng paikli yung mga updates ko, sorry na mga beh.

Vote. Comment. Share.

Facebook: Cassandra Joy Mapanao  

Load. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon