Alex's Point of View
"Sige, goodnight, ma," sabi ko atsaka umakyat ng kwarto.
Kakatapos lang ng hapunan at nagpresinta si Mama na siya na ang magligpit at maghugas.
Binuksan ko na lang ang TV dahil nakacharge ang phone ko at hindi ko ito maaring galawin.
Na trauma na kasi ako sa nangyari sa cellphone ko eh. Biglang nasira yung battery tapos umusok yung cellphone ko. Ayon, goodbye cellphone tuloy.
Nagpalipat lipat ako ng channel hanggang sa makakita ng magandang palabas.
---
10pm ng gabi. Wala akong magawa kung hindi mag scroll up and down.
Wala kasi akong load kaya hindi ko maitext si Therese. Hindi ko rin naman alam name niya sa Facebook so nganga ako.
Ooops! Hindi ko option si Therese ah, hindi ko siya pampalipas oras kung yun ang iniisip niyo.
*krrr* (tunog ng tiyan yan, sorry na, taghirap sa sfx eh, haha)
Nagrereklamo nanaman ang mga bulate ko sa tiyan kaya sinilip ko ang baba. Wala ng tao.
Pumunta ako sa kusina ng dahan dahan dahil alam ko, nahihimbing na sa tulog sina Mama at si Kate, ayokong makaistorbo.
Binuksan ko ang microwave dahil dito minsan naglalagay ng mga tira si Mama pero wala itong laman.
Pumunta naman ako sa Ref at tumingin ng pwedeng kainin, yung instant dahil gutom na ako.
"Ano ba yan," sabi ko ng may pagkadismaya ng wala akong nakitang noodles.
Lagi ko kasing bilin kay Mama na bilhan ako ng mga cup noodles para may pang midnight snack ako.
*krrr*
Bwisit. Umakyat nalang akong muli sa kwarto ko at tinignan kung may pera pa ba ako. Meron pa akong isang libo.
Kinuha ko ang wallet ko kasama ang cellphone tsaka nagjacket.
Bumaba ako at lumabas ng bahay, as expected, malaming ang simoy ng hangin.
Tahimik ang buong paligid. Naglakad ako at naghanap ng convenience store na malapit.
Nadaanan ko na rin ang park na sarado na at tahimik na rin. Full moon ngayon kaya maliwanag. Puno rin ng ilaw ang buong syudad na ito.
Binilisan ko ang paglalakad dahil nagrereklamo na talaga ang tiyan ko. Dapat pala dinamihan ko ang kain ko kanina.
Maya maya pa ay may nakita na akong 7eleven.
Pumasok ako sa loob at wala masyadong tao bukod sa nasa counter at isang babaeng kumakain ng cup noodles.
Natakam ako kaya naman dali dali na akong kumuha ng cup noodles, beef flavored at saka nagbayad.
Aalis na sana ako kaso may nakasalubong ako, itinutok niya at kutsilyo sa akin kaya napaatras ako.
Tuluyang nakapasok ang holdaper at tinutukan kaming lahat ng kutsilyo. Great. Juuuuust Great!
Lumapit siya sa may counter at tinutukan ang nandoon.
"Bigay mo sa akin lahat ng laman ng kaha na yan kung mahal mo pa ang buhay mo," sambit ng holdaper.
"Alex?"
Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at nagulat ako ng makita si Therese.
"Therese?"
Napalingon sa amin ang holdaper at tinutukan rin kami ng kutsilyo.
"Akina wallet niyo at cellphone," sambit ng lalaking naka all black at naka mask pa habang nakatutok pa rin sa amin ang kutsilyo.
"Wala akong pera," walang gana kong sabi.
Gusto ko lang naman na makakain, my ghad, gutom na ang gwapong bida!
"Anong wala? Paano mo nabili yan?" Medyo galit na saad ni Kuyang holdaper.
Tinitigan ko ang kutsilyo niyang hawak at napangisi ako. Wow, ang galing.
"Ang galing kutsilyo mo Kuya ah, realistic," komento ko habang nakatingin pa rin sa kutsilyo niya.
Nanlaki ang mga mata ni Mamang holdaper at sinimulang pagpawisan.
"A-anong pinagsasasabi mo dyan, bata?! Akin na wallet mo kung hindi---"
"Kung hindi isasaksak mo sa akin iyang plastik na kutsilyo na pinainting-an? Hindi ako mamamatay dyan," dugtong ko sa sinabi niya at umupo sa katapat na upuan ni Therese.
Tumitig sa akin si Kuya Manong at saka ibinaba ang pekeng kutsilyo. Bago pa man ako makapag salita ay tumakbo na ito palabas.
Napatingin ako sa bag ng pera na sa tingin ko ay nakalimutan niya pang dalhin.
Isang nakakaawa at tanga-tangang holdaper.
"Wow, ang galing mo, ah. Paano mo nalamang fake yun?"
Napatingin ako sa manghang si Therese.
"Tsk, sikreto ng mga gwapo," sabi ko nalang sabay pogi pose.
Umarte siyang naduduwal, "Eww, kilabutan ka nga."
Natawa naman ako. Umalis na siya sa upuan at itinapon ang walang laman na cup noodles.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko bago tumayo. Sa bahay ko na kasi ito kakainin.
"Duh, edi kumain," sabi niya sabay irap.
Lumabas kaming 7eleven at nagsimula ng maglakad.
"Alam mo, akala ko nung una ang hinhin mo, mataray ka rin pala. Para kang si Kate," puna ko sa kanya na siyang ikinatawa niya.
"Yeah, maraming nagsasabi na mukha raw akong mahinhin," tatawa tawa niyang sambit habang umiiling iling.
"Mukha lang," asar ko.
Hinampas niya ako sa braso at saka tumawa.
"Whatever, Mister Mahangin," saad niya pa.
"Oy, hindi ako mahangin."
"Eh ano lang?"
"Honest."
Natawa kaming pareho at nanahimik ng ilang sandali. Nasa kamay ko ang isang cup noodle.
"Alex?"
"Hmmm?"
"Taga saan ka? I mean, saan kayo nakatira bago lumipat dito?"
"Taga Street Harmonyyyy! Tuuut tuut tuut tututuuut tuut tuuut."
Huminto ako at sumayaw ng budots sa gitna ng daan. Humagalpak ng tawa si Therese kaya napatitig ako sa kaniya.
"Mas maganda ka kapag tumatawa ka."
Napatingin siya sa akin at may dinukot sa bulsa. Naglabas siya ng limang piso at inabot sa akin.
"Para saan ito?" Tanong ko at saka iniangat ng kaunti ang limang piso.
"Bayad ko yan, sa compliment."
Natawa naman ako.
"Baliw."
"Hindi ako baliw. Ikaw nga yung baliw dyan eh," depensa niya at saka nag cross arms.
"Baliw sayo."
--
Author's Note:
Ang ikli ng ud, I know. Sensya na, walang tulog eh.
Aaaaat, last update na yan for today. Next update ay sa Thursday.
Vote. Comment. Share
Facebook: Cassandra Joy Mapanao
BINABASA MO ANG
Load. (COMPLETED)
Historia CortaCOMPLETED. Read Therese and Alex's unexpected and twisted love story. 🌹💖 Written by: BeybiRows.