Fleur

29 4 4
                                    


"Trixie please, mag-usap tayo. Trixie ano ba, pakinggan mo naman ako."

"Ano pa Adam, ha? Ano pa ba sasabihin mo?"

"Let me explain Trixie."

"Explain? Pagod na ako sa mga paliwanag mong puro kasinungalingan! Adam we're over, sapat na lahat ng nakita ko."

"Trixie ano ba. Sandali lang naman o, kaibigan ko lang si Jen."

"Bitawan mo nga ako! Walang magkaibigan na naghahalikan, Adam! Hindi ako tanga!"

"Hoy!" binato ko ng unan si Kyle nang hugutin niya ang saksakan ng TV.

"Ano ba! Ang ganda ganda ng panood e!"

"Deth, mag-aala una na, wala ka bang balak pumasok?"

Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko at saka ko narealize na totoo ang sinabi ni Kyle. Nagmadali akong nag ayos ng sarili at saka bumaba ng apartment para makapag abang ng tricycle.

"Late na tayo!" pagmamaktol ni Kyle.

"Kasalanan ko bang umidlip ka?"

"E ikaw tong gising so dapat aware ka magaala una na."

Madali lang kami nakasakay ng tricycle. Pwede lang naman lakarin ang school namin kaso dahil sa male late na kami, no choice kung hindi mag tricycle.

"Buti nalang wala pa si Miss Bermudez, kung hindi mabibilad tayo sa arawan. Tanghaling tapat pa mandin."

Nasa room na kami ni Kyle. Siya rin ang seatmate ko simula nung grade 7 hanggang ngayon grade 10. Kapatid na ang turing ko sa kaniya dahil lagi na kaming magkasama. Kung minsan sa apartment o sa bahay na nila ako tumutuloy o kumakain.

"Saan ka matutulog mamaya, Deth?"

"Sa bahay na muna namin, dadating kasi si kuya galling Taiwan e."

Tinanguan lang ako ni Kyle. Nahagilap ng mata ko si Lance, ang apat na taon kong crush na naglalakad patungo sa kanilang room. Magkatabi lang kasi ang room namin. Sa kasamaang palad ay minsan ko lang siya maging kaklase at yun ay tuwing TLE subject namin kaya hindi kami nakakapagusap ng madalas.

"Good afternoon, class!" sabay sabay kaming tumayo at nagdasal pagkadating ni Miss Bermudez. Pansin kong nakatayo lang si Lance sa labas. Malamang ay di na naman siya pinapasok ng kanilang teacher. Maswerte hindi niya teacher si Miss Bermudez dahil kung oo ay sa arawan na siya nakabilad ngayon.

"Uy si Lance o. Kawawa naman. Bigyan mo ng pamaypay. Pinagpapawisan o."

"Wala akong pamaypay e." Ibinalik ni Kyle ang mata niya sa harap. Ako naman ay minuminuto ko tinitignan si Lance. Matangkad, maputi at medyo bilugan ang mata. Magaling siya magbasketball at kumanta. Sikat siya dito sa school. Samantalang ako, matalino pero di kapansin pansin sa mata niya.

Nakita kong pasimpleng inabot ni Carla na classmate ko sa bintana ang pamaypay niya kay Lance. Nag ngitian silang dalawa nang maabot niya ito.

"Dapat kasi nagdadala ka ng pamaypay e." sabi ni Kyle. Iniwas ko nalang ang tingin ko. Masyadong mabigat sa dibdib kapag nakikita ko sila. Madalas silang magkasama. Sobrang close nila sa isa't isa. Madaming nagsasabing may namamagitan sa kanila pero di ako naniniwala dahil wala pang kumpirmasyon mula sa kanila.

Nakakainggit si Carla. Siya yung tipong kapansin pansin, kaya di nako magtataka kung isang araw mahulog si Lance sa kaniya.

Sabay kaming tumungo ng canteen ni Kyle pagkarecess. Third wheel na naman ako dahil palaging kasabay namin ang bf niyang si Klyde.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FleurTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon