Malulain ka ba? Masakit ba ang tiyan mo ngayon? Anong puwedeng remedyo na makukuha mo lang sa inyong kusina?
Luya! You got it right, ginger. Magpakulo ka nang maliit na putol ng ginger, kahit one inch lang. Crush it and boil it in water for about 5 minutes. After that, ilagay mo sa baso at palamigin mo nang kaunti. You can add sugar if you want. Voila, that's your ginger tea. Hindi lang siya pampaganda ng boses, mabisa rin siya sa sakit ng tiyan at pagkahilo.
Kung gusto mong mabilisan, kahit hindi mo na pakuluan. Hugasan mo nang maigi at kagatin mo ang laman saka sipsipin mo ang katas. Dahan-dahan ka kasi medyo maanghang. After few minutes, kakalma na ang sikmura mo. Ingat lang sa mga buntis baka malaglag ang baby.Ginger has an anti-inflammatory effect and it relaxes the guts. Mainam rin siya sa mga may arthritis. Ito ang madalas kong gawin sa amin. Katunayan, sumakit ang tiyan ko a few days ago, and that's why I'm sharing this here. Dati rin nag-biyahe ako from Manila to Bicol. E, malulain ako tapos hindi ako nakabili ng Bonamine. Mabuti na lang at may candy yong sister ko na ginger gums. Buti na lang tumalab dahil kung hindi ay nagkalat ako sa bus. Remember Marvin, yong isa sa mga boylets ni Sophie? Lulang-lula siya sa bus dahil dumaan sila sa Eme Road also known as Bitukang Manok. Actually, base yon sa sa karanasan ko. I have motion sickness kasi, and I despise it!
Here are the complete list of the benefits of ginger.
I hope you like this life hack and that you find this helpful. Until next time!
BINABASA MO ANG
Psychological and Life Hacks
RandomMga simple at madaling karunungan na dapat mong malaman. Gamitin sa kabutihan, huwag sa kalokohan lalo na sa kasamaan. ...be ye therefore wise as serpents, and harmless as doves. - Matthew 10:16