The moment I wake up, naramdaman ko ang pananakit ng mga kasu-kasuan ko. Lalo na sa bandang hita ko. Akala ko noong una ay hindi magtatagal ang pananakit ngunit sa bawat segundong mas lalo akong nagigising ay unti-unting tumataas ang lebel ng pamimilipit ko.
I'm about to take some painkiller pero naisip kong huwag na lang. For sure, dadatnan ako this day and taking some drugs would just do no good. Masama iyon sa katawan. It might destroy all the eggs inside me. Sa buong buhay ng isang babae, mayroon lamang siyang mahigit apat na raang itlog. Sa bawat menstruation cycle ng isang babae ay may isang itlog ang nahihinog at nagiging regla kapag hindi nakatagpo ng isang sperm. That's why I need to be careful with dealing some kind of pain. May mga pakiramdam na kailangan lang ng pahinga.
Nag-breakfast ako ng muffin at bacon. Instead of coffee ay nagtsaa na lang ako. Hindi ko alam ang gagawin sa araw na ito. Tomorrow, pupunta na kami ni Edison sa Batanes and I don't feel the need to prepare. Marami akong maleta na hindi pa nagagamit so I don't need to buy a new one. May extra rin akong mga summerware at accessories na binili ko last year pero hindi ko naman nagamit. Na-stress ako saglit kakaisip kong ano ang gagawin ko sa araw na ito. Maybe I should call Georgina. Pero, wait, may duty pa siya ngayon sa Barista. Huwag na lang siguro.
"Ano bang gagawin ko?" I suddenly felt frustrated noong natapos na ako sa pagkain. Umalis na ako sa salas at naghugas na ng pinagkainan sa kusina. Noong natapos ako ay sakto ring tumunog ang telephone ko na naroon sa may salas.
"Wait!" sigaw ko noong nasa kusina pa ako. Pagdating ko sa salas ay iniwasiwas ko muna ang basa kong mga kamay sa ere sabay ipinahid sa short maong pants ko. And when I'm through, noong nasigurado ko ng hindi ako mako-koryente kapag hahawakan ko ang telepono ay sinagot ko na ang tawag.
"Good morning. This is Leah Greener, organization's head of Wilson University. May I speak to Miss Fate Cazro?"
"Yes. Speaking." Kinabahan ako. Academic year has ended at bumaba na rin ako sa puwesto ko bilang governor ng business department, bakit kaya nila ako tinatawagan?
Napadasal ako na sana hindi patungkol sa financial statement ng organization kasi sa pagkakaalam ko ay na-settle na namin iyon ng mga co-officers ko bago magtapos ang academic year. All expenses acquired together with the recipients are already attached on it. Kung may nakalusot mang mali roon ay paniguradong ipapaulit nila sa amin iyon. And for sure, it will take time. Ano na lang ang mangyayari sa bakasyon namin ni Edison?
"Our dean found your department very progressive for the previous academic year kung saan ikaw ang naging governor. Your department won a lot of awards and had accomplished most of its propaganda. Through this, our dean is asking you if it is possible for you to run again as a candidate of the position for the governor's seat."
"Omg." Naitakip ko bigla ang kanang kamay ko sa bibig. Last year, I ran without any partylist supporting me. Solo akong nangampanya. Though I know I did very well during the debate. At ngayon, hindi ko ini-expect na makakatanggap ako ng ganitong papuri.
Nagmadali akong maligo at magbihis. When I'm all done, minaneho ko na iyong Toyota Corola ko papunta roon. I'm just wearing a sky blue cardigan and a white inside dress. Naka-ponytail ako at ganoon pa rin ang porma ng bangs ko. Dala-dala ko rin ang CK bag ko at noong naglakad nga ako sa hallway ng university ay pinalakpakan ako ng mga co-students ko.
Today is the last day of filing of candidacy at nakapag-desisyon na nga akong tumakbo. Dalawa lang kaming nag-file at iyong isa ay lalaki. I don't know his name but I know that he's from the Human Resources Department. He's tall, very pale and has a poker face. Matalim iyong tingin niya sa akin pero nginitian ko lang siya. We did a photo op showing our forms for our candidacy at nagulat na lang ako dahil doon sa last photo ay inakbayan niya ako. At dahil sports naman ako, inakbayan ko rin siya kahit sobrang tangkad niya. On the last shot, naka-akbay kami sa isa't-isa habang naka-thumbs up. Hindi ko na siya masyadong nakausap dahil noong nagkahiwalay na kami ay dinumog na kaming pareho ng samu't-saring estudyante. Na-curios tuloy ako kung sino siya dahil masyadong marami ang sumusuporta sa kanila.
BINABASA MO ANG
Crucify Me
Romance"Crucify me," he begs. Metrosexual Edison Bermundo-Chavez is a masochist on his own self. He is one of the most successful investment magnate throughout the country holding large shares on different real estate and banking companies. Scarred by his...