1

4 1 0
                                    

JANINE

****

"Janineeeee! Ano hindi ka ba lalabas ng kwarto mo diyan? Lagi ka nalang nandiyan kulang nalang lamunin ka ng kama mo" , ayan na naman narinig ko nanaman yung boses niya yung boses na kinaayawan ko . Pano ba naman kasi walang tigil yung bibig nakakainis.

Kasalukuyan akong nakahiga as usual dito sa kama ko at nagbabasa ng Wattpad. Napatakip ako ng tenga ng marinig ko nanaman ang boses ng kapatid kong si Ariana at hindi nalang siya pinansin.

"Ano ba , hindi mo ba ako naririnig? O sadyang nagbibingi bingihan ka lang?" , naramdaman ko ang yabag ng paa niya na tila papunta saakin. Inilagay ko ang earphones ko para mapahiya siya mamaya haha. Tinanggal niya ang unan na nakatakip saakin at tinignan ko siya ng masama . Kumunot ang noo niya.

"Ah kaya naman pala" , napairap ang kapatid kong si Ariana. Akmang aalis na dapat ng nagsalita ako.

"May sinasabi ka?" , sabi ko at tinanggal ang earphones. "Wala" , inirapan niya ako at padabog na umalis . Psh nakakairita talaga , at humiga ulit ako .

Naisipan kong bumaba para uminom ng tubig dahil uhaw na uhaw na ako . Nang makarating ako sa hagdan napatingin ako sa wall clock na nasa gilid lang , mag tu-12:00 na pala grabe magdamag talaga akong nakahiga. Pagbaba na pagbaba ko tumambad saakin si mama na ang sama ng itsura.

"Oh, buti naisipan mong bumaba. Hindi ka pa kumakain?" ,tanong ni mama. Umiling lang ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng baso. "Anak , kumilos kilos ka naman" , napatingin ako kay mama ng marinig ko iyon sa kaniya. "Simula ng malipat ka sa school na yan di kana nagkikikilos tsk", ayokong pinag-uusapan yan eh binring up pa niya. 

"Hindi ko naman kasi gusto diyan eh , bakit niyo ko pinilit dun" , hindi ko mapigilang mapagtaasan ng boses si mama. Nakita kong nagbago ang expression ng mukha ni mama tila lalong nalungkot. "Mama , sorry po" , napayuko ako at umalis. Ngunit nahawakan ni mama ang kamay ko para mapatigil ako.

"Anak alam mo namang wala na ang papa mo diba , kaya hindi ko na kaya ang school na pinapasukan mo noon , wala na ring tutulong saakin para magtrabaho kaya patawad anak kung hindi ko maibibigay agad ang mga gusto niyo. Pero pangako gagawin ko ang lahat para maibigay sa inyo yun" , hindi na napigilan ni mama ang umiyak. Niyakap ko lang si mama , naintindihan ko naman siya pero ang masakit kasi nalayo ako sa mga kaibigan ko na malalapit saakin.

"Ah sige mama , aaykat na po ako maghahanda na po ako para sa pagpasok ko mamaya" , tumango lang si mama at pinunasan ang luha niya. Nakita ko naman ang kapatid ko na tila nakamasid saakin . Iniwasan ko nalang ang tingin niya. Buti nalang 3:00 pa ang pasok ko , pabago bago kasi ng schedule ang school na pinasukan ko wala silang permanent time.

Chineck ko ang phone ko kung may messages , meron isa galing kay Therese yung best friend ko sa dati kong school na Bristolle University. Inopen ko ang message

Hey sissy wanna hangout , we missed you so much. Are you free today?

Nireplyan ko siya .

Nope , sorry sis babawi ako. I'll text you jf I'm free. Love you xoxo

Actually miss na miss ko na sila, kahit 3 weeks palang akong nag-aaral di parin ako makapag adjust iba kasi ang schedule dito sa new school ko sa Sta. Rosa College. Sila Therese , Mariz , Katarina miss ko na talaga sila . Ang hetic kasi ng schedule amp. Kung pwede lang talagang magpalamon sa kama eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNTOLD Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon