12

98 11 0
                                    

Pagud na pagod ako ngayong araw na ito. Naglinis ako ng buong bahay, nagluto at ngayon ay nakaharap ako sa washing machine at nilalabhan ang mga damit niyang inamag na sa laundry room.

Sinulyapan ko ang oras sa relo na binigay ni kuya. Pinatong ko iyon sa mataas na cabinet katabi ng aking cellphone.

8:45pm

Kaninang umaga pa siya umalis. Anong oras kaya niya balak umuwi?

Kumain ako pagkatapos kong linisin at ayusin ang lahat. Para akong bagong hired na katulong.

Dumiretso agad ako sa kwartong itinuro ni Misis Ho bago siya umalis. Ang bago kong kwarto. Napakalaki niyon at napakaayos ng mga gamit. Para bang ang kwarto lang na iyon ang hindi dinapuan ng mga alikabok at dumi.

Pabagsak akong nahiga sa malambot na kama. Ang akala ko ay mission aborted na pero nagkamali ako. Iniwan ako ni Misis Ho sa bahay na 'to na para bang pumayag na ang may-ari.

Ano na lang kaya ang gagawin sa akin ng lalaking 'yun kapag nalaman niyang nandito na ako. Baka bigla na lang niya akong ihagis sa bintana. Haay!

Iniayos ko ang aking mga gamit. Pero ng matapos ako ay bigla akong nagsisi. Paano kung palayasin nanaman niya ako. Paano kong hahakutin ang lahat ng ito?

Pero hindi! Muling nanumbalik ang huling salitang binitiwan sa akin ni Misis Ho.

"Kahit na anong mangyari ay huwag na huwag kang aalis!"

Huminga ako ng malalim. Nahiga sa kama at pumikit.

Kaya mo 'yan, Riz! Kaya mo yan!

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.

Nagising ako ng marinig ko ang napakalakas na katok na nagmumula sa pinto.

Yung mayabang!

Mariin akong napapikit. Tinignan ko ang oras.

2:05 am. Badtrip!

Ngayon ko lang naranasan ang bulabugin sa pagtulog.

Nakakainis!

Nahihilo man ay pinilit ko paring bumangon. Halos gapangin ko ang pinto ng buksan ko iyon.

Lunok.

Bakit may mga taong kahit na galit ay napakagwapo paring tignan?

"Lumabas ka dyan." Utos niya.

Tsk! Gwapo nga saksakan naman ng yabang!

"Hindi mo ba alam kung anong oras na?" Matapang kong usal.

"Labas sabi!" May diin na iyon.

"Ayoko! May pasok pa ako mamaya. Kailangan ko pang matulog."

Isasara ko na ang pinto ng bigla niya iyong itulak. Pero hindi ako nagpatalo sa kanya. Buong lakas ko iyong itinulak pasara.

Itinulak niya naman iyon ng pabukas. Nagsukatan kami ng lakas.

Pero malakas talaga siya kaya...binitawan ko agad ang pintong iyon.

BLAGGG!!!

Bumagsak siya ng padapa.

"Ooopppsss!" Natutop ko ang aking bibig. Pinigilan ko ang huwag matawa pero hindi ko kinaya. "Wahahahahahah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Halos mamatay ako sa kakatawa sa itsura niya. Para siyang palakang humalik sa sahig.

Frog Prince.

Mabilis siyang bumangon. Halos umusok ang ilong nito sa galit.

Hinawakan niya ang braso ko saka ako hinila palabas ng kwartong iyon..hindi pala..nalampasan namin ang kusina, sala..

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon