Chapter 3: Karugtong Ng Buhay Part 1

269 10 0
                                    

"Ang pagmamahal ng isang Ina ay walang katumbas na halaga."

"BENTE PESOS  nga po pandesal, manong," ani Jaja. "'Yong toasted po at bagong luto."

Binuklat niya ang dyaryong binili kanina saka naupo sa bangkitong naroon. Magbabasa na muna siya habang hinihintay ang pandesal niya.

Napailing siya ng mapagmasdan ang larawan ng isang ginang sa front page. Natagpuang patay ito sa mismong bahay nito. Ayon sa balita ay butas ang tiyan at pingas ang kaliwang utong sa suso nito.

"Kahindik-hindik!" bulalas niya sabay palatak.

"Kilala ko gumawa niyan," sabat ng isang maliit na tinig sa tabi niya.

Lumingon siya sa gilid niya at nakita niya si Nanoy. Kaibigang duwende niya. "Talaga?"

"Oo," tumalon ito sa balikat niya. "Si Chicha iyan."

Napakunot-noo siya. "Chicha? Ano ba siya? Laman lupa din?"

 

"Di kami mahilig sa utong." sagot nito.

"Weh? Kung 'di siya laman lupa, e ano pala siya?"

"Tiyanak. Mahilig siyang chumicha ng utong." sabi nito na sinabayan ng tawa.

Napailing na lamang siya. Tumayo na siya at itinupi ang dyaryo nang tawagin siya ng tindera para sa pandesal niya. Nagpasalamat siya at umalis. Nakita pa niya ang weird na tingin sa kanya ng tindera. 'Di na nakapagtataka iyon. Kausapin ba naman niya ang kutong lupa na 'ire na hindi nakikita ng iba. Mapagkakamalan talaga siyang baliw.

As if I care.

Umuwi na siya sa tinutuluyan niyang kubo. Nakita niya si Lola Ine na nagtitimpla ng kape.

"Lola!" lumapit siya. "Saktong-sakto pala itong binili kong pandesal. Perfect match sa kape!"

Ngumiti ang matanda. "Ku! Maupo ka na para makapag-almusal na tayo."

Mabait si Lola Ine. Pinatuloy siya nito ng libre sa tirahan nito. Naghahanap kasi siya ng murang matutuluyan dito sa Isla Bayog. Isang maliit na lugar sa Camarines Norte. Dito ang next assignment niya. Kukuha siya ng mga sample shots ng mga water falls dito. At kahapon nga niya natapos ang pagkuha ng larawan kaya ngayon petiks-petiks muna siya.

Forbidden FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon