Sa bawat paglapat ng tinta sa aking sulatan,
kasabay ay ang pagbuhos ng ulan sa aking matang luhaan,
isinusulat sa papel ang mga salitang nais kang kalimutan,
pero ala-ala nating dalawa'y nagbalik katulad ng lumang kantang kay sarap pakinggan.'Di ko magawa,
ang paglimot sa 'yo ay 'di ko magawa,
kasi ikaw ang prinsesa pero hindi na ako ang 'yong prinsipe,
ikaw ang tala at alitaptap na nagbigay kulay sa aking gabi,
pero ikaw ang tintang isinulat ko pero pinagsisihan ko na sa huli.Itong tulang ito sabay nating sinimulan
pero sa dulo ako na lang nagbigay katapusan,
ikaw ang dahilan kung bakit ko isinulat ang tulang ito kahit pa sa ilalim ng ulan,
at kahit pa mabasa ng ulan aking sulatan.Sa bawat naging tula ko, ikaw ang pamagat,
Ngayon, maliwanag na sa akin ang lahat,
na ang babaeng katulad mo,
ay hindi karapat-dapat sa bawat tula aking binuo.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan