Highschool:9

19 1 0
                                    

Klaires POV

"Go!1,2,3,4..turn and sway!turn and sway!"Taenang Pageant!Nakakainis wala nga kaming pasok from Tuesday dahil next week foundation na.Gusto kong humilata sa kama.Matulog magdamag pero binulabog Lang ako ng dalawang pusit.

Nandito kami ngayon sa Auditorium ng Lincoln Units.Dito kami nagpaparactice.Nabuburyong nako kasi kanina pa kami dito.Para kaming audience ni Chandler dahil gumagawa ng steps si Shyla at Jackson para sa TALENT DAW NAMIN KUNO.Daming mga cheche bureche eh.Nakakainis talaga si Jhoy dinamay damay pako.Punyemas.

Nanood nalang ako kay Shyla at Jackson bigla akong nagulat ng maglapit ang mukha nila.

"LANGYA!HOY!walang ganyanan sa steps.Bakit di nalang kami magbaby-shark!may palapit lapit ng mukha pa kayong nalalaman.Mga to!"inis na sigaw ko.Punyeta lang guys ha!Hindi ba sila inform na magkaaway kami at halos hindi kami mapagdikit tapos ganyan performance namin.Maghahawak ng kamay tapos may part na magyayakapan kayong dalawa at meron ding bubuhatin ka tapos ngayon with matching lapit pa ng mukha.Aba matinde!

"Wake up sis!sa tingin mo di ka kukuyugin ng buong section natin pag magbaby shark kayo.Nako talo na tayo talent palang yan.Jusko!ano yang age mo pa backward tuwing magbebirthday ka!"inis na sabi niya at napatuloy lang silang dalawa ni Jackson sa pagsasayaw.Kunwari pa to!gustong gusto naman niya yang ganyan.Naks malantod.Hahaha.

"Sus kunwari ka pa!gusto mo lang naman magsayaw kayong dalawa.Nako enjoy na enjoy niyo no?Mga lokong to.Tanggalan ko kayo ng paa jan ng hindi kayo makasayaw."sabi ko at bumalik na sa upuan.Napatingin naman ako kay Shyla na ngayon ay pulang-pula ang mukha dahil sa kilig.Nako!nag-iinarte pa ang shunga.Ito namang si Jackson halong makikita na ang buong gilagid sa sobrang ngiti dinaig pa si Kev eh.

Speaking of Kev.Wala sila ni Jhoy dito at namili ng materials para sa Booth.Nagsisisi nako bakit siya yung sinabi ko na maging love adviser at gumanti tuloy sakin.Nagtaka nalang ako at naging close na ang dalawa pero dati halos tawagin na ni Jhoy lahat ng santo para mawala si Kev sa buhay niya.Ayan nabusog,kinain lahat ng sinabi niya.

Nagtaka naman ako kay Chandler at tutok na tutok sa Cellphone niya.Nacurious naman ako at pasimpleng tumingin sa Screen at jusko ang hinayupak nanonood ng Spongebob.Di ko akalain na ang taong tinitingala ng mga babaeng kamukha ng paa ko ay isa palang Spongebob fan.

Di ko naman napansin na nakikinood na ako.Tawang-tawa ako kay Spongebob lalo na pag iniinis niya si Squidward.

"HAHAHAH!"tawa ko at tinuturo turo pa ang screen.Grabe nakakatawa si Spongebob at Patrick.Si Pattick minsan nasosobrahan sa katangahan eh.

"DAMN YOU KLAIRE!"galit na sigaw ni Chandler at pinatay ang cellphone.Tumingin nalang ako sa kanya ng nagtataka.Ano nanaman ginawa ko.Sinusumpong nanaman ata tong hinayupak na to eh.

"DAMN YOU TOO!NAPANO KA AT BIGLA BIGLA KANG SUMISIGAW?!"sigaw ko pabalik sa kanya.Nakaka ubos ng dugo to ah.Nakalimutan ko tuloy kong anong episode yung spongebob kanina.Kainis talaga tong lalaking to.

"BAKIT KA SUMISIGAW?!"

"SHUNGA KA BA?!MALAMANG SUMISIGAW KA DIN!ENGOT!"

"WALA KANG KARAPATAN SIGAWAN AKO!"

"AT BAKIT?!MAY KARAPATAN KA DIN BANG SIGAWAN AKO?!"

"ABAT SUMASAGOT KA PA AH!"

"EH MALAMANG NAGTATANONG KA!"

"NAKAKAINIS KA NANG TOMBOY KA AH!"

Abat ang hinayupak nga naman makatawag ng tomboy.Palibhasa kasi mahilig sa Spongebob eh.

"KUNG AKO TOMBOY!IKAW BAKLA!"

"Eh ano naman kami?"shyla at Jackson.

"BUTIKI,BABOY!"sabay na sagot namin ni Chandler at nakatinginan.Nagsukatan kami ng tingin.Abnoy din talaga tong taong to.Parang may mental problem.Dinaig pa ang buntis pag mag mood swing.

High School :Love(On-going)Where stories live. Discover now