Chandlers POV
Patuloy parin ako sa paghaplos ng buhok ni Klaire.Sa tingin ko nakatulog na siya.Akala mo anghel kung matulog pero pag gising kala mo lalaki eh sa sobrang Amazona.
Di ko akalain na takot pala siya sa multo at dilim.Ang isang Klaire na Amazona takot pala.Sa mahigit 3 buwan mahigit namin na pagsasamang magbabarkada,ngayon ko lang nakita na meron siyang ganitong side at ngayon ko Lang siya narinig na sumigaw na parang babae.Kadalasan kasi ang tigas ng boses niya.Tinalo pa ang lalaki.
Napapangiti nalang ako pag pinagmamasdan ko yung mukha niya.Para siyang sanggol na mahimbing na natutulog.Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan.Humiga na ako sa tabi niya at kinumutan naman siya.
Ipinikit ko narin ang mata ko at nagsimulang natulog.
"Goodnight Klaire."
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
*Click*Flash*Click*
Dahan dahan kong minulat ang mata ko ng mapansin ko na parang may umiilaw at may tumutunog na parang Camera.
Ngayon ko lang narealize na nakayakap pala ako kay Klaire na ngayon ay mahimbing parin na natutulog kaya agad akong tumayo.
Napansin ko na nandito na sila Jackson,Shyla,Jhoy,at Kev na may sari-sariling hawal na cellphone.Napatingin naman ako sa oras at 10:30 na ng umaga.What the fudge!
Agad ko namang naalala ang nangyari kagabi at kung bakit ako puyat.
Napansin ko naman na busy sila sa mga cellphone nila at napapangiti pa.Mga siraulo talaga.
"Oh!Goodmorning pare!"bati sa akin ni Jackson.Agad ko namang naalala yung ginawa niya sa amin ni Klaire.Sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan para mapaatras siya.
"Goodmorning Jackson!"masayang bati ni Shyla at tinignan ko rin siya ng masama.
"What's wrong Chandler?"nag-aalalang tanong ni Jhoy.
"Tinatanong niyo pa talaga yan no?"Galit na sabi ko."Eh kung hindi niyo kami nilock dito hindi sana matatakot si Klaire.Alam niyo ba na iyak siya ng iyak dahil takot siya sa dilim at nilalamig pa siya!Pwede niyo naman kaming kausapin ah!Oo nag-aaway kami pero may posibilidad din na maging magkaibigan kami!Kaya kung gagawa kayo ng plano,siguraduhin niyo na alam niyo ang consequences!Halos manginig na sa takot si Klaire sa sobrang dilim!At kayo naman Jhoy at Kev gusto niyo rin tong plano na to at hindi niyo rin pinigilan si Jackson at Shyla."
"Hindi naman namin alam na mangyayari to eh."halos maiyak naman si Jhoy habang nagsasalita kaya agad na lumapit sa kanya si Kev at hinimas ang likod niya.
Eh alam ba nilang madilim dito sa auditorium at malamig.Kahit kelan talaga!Parang gusto kong manapak ngayon.OA na kung OA pero yun yung nararamdaman ko.
"Alam niyo naman siguro na takot si Klaire sa dilim no?Awang-awa ako sa kanya kagabi.Sa tingin niyo ba malakas siya at matapang pero hindi!"inis na inis na ako."Ayan ba yung way niyo para magkasundo kami?kailangan pang merong matakot ha?!"nasabunot ko nalang ang sarili ko sa galit.
Tinignan ko naman sila lahat na ngayon ay nakayuko.Si shyla parang maiiyak na,si Jackson nakayuko at napapailing,si Jhoy na umiiyak,at si Kev na nakatingin sa baba at kagat kagat ang labi.Ano?!Maguguilty sila?Taena sana kagabi pa.
"Alam niyo ba na halos gusto ko nang mamatay sa takot ha?"napatingin naman ako sa biglang nagsalita.Si Klaire na puno ng inis at takot ang nararamdaman kaya napatingin naman ang mga kaibigan namin sa kanya.
YOU ARE READING
High School :Love(On-going)
Teen Fiction"I didn't mean to fall inlove,but you made it so easy."