Highschool:8

30 1 0
                                    

Kev POV

Nasa kalagitnaan ng paglelecture si Mam Dimaculangan.Antok na antok na ko.Grabe paano ba naman kasi Science nanaman and after that sasabihin na ang Scores namin sa test.Malamang bagsak ako neto.

"So that's all for today."sabi ni Mam Dimaculangan.Agad naman kaming nagligpit ng gamit para makaalis na.

"Section 1!Saan kayo pupunta?Sasabihin ko pa ang scores niyo."umupo naman kami pagkasabi ni Mam Dimaculangan.Parang nanlulumo ako pag makita ko yung score ko ah.

"Okay.So sasabihin ko na ang scores niyo and then may important announcement ako."hinawakan na ni Mam ang mga test papers at binuklat.Patay over 100 pa naman yun at 75 lang ang passing.Pewww.

"Argonia,60"

"Amante,65"

"Cristobal,65"

"Lopez,70"

"Delos Reyes,78"tumayo naman ako at kinuha ang test paper ko.Whoah!buti nalang nakapasa pa.Yess!

"Walton,76"tumayo din si Jackson at kinuha ang testpaper niya.Nakangiting aso siya ngayon.Kulang nalang makita na yung gilagid.

"Choi,85"napatalon naman sa tuwa si Jhoy at nakangiting tinignan ang test paper.Naks!Ang galing ah!

"Park,89"

"YESSSSSS!!!!WOAHHHHH!"Malakas na sigaw ni Shyla sa sobrang saya.Nang ma realize niya na pinagtitinginan na siya agad siyang ngumiti at kinuha ang test paper niya.

"Min,98"napapalakpak naman sa tuwa ang mga fangirls niya.Grabe.Hanep talaga tong mokong na to.Biruin mo 2 mistakes lang.Saglit lang nagreview yan.Partida.

"Sino pang hindi natawag?"tanong ni Mam Dimaculangan at nagtaas ng kamay si Klaire.Napasmirk naman si Chandler.Baliw talaga tong taong to.

"Oh Ms.Lee,your testpaper is in the University Bulletin Board."huh?Bakit nandoon.Napatingin ako ngayon kay Klaire na ngayon ay kinakabahan.

"But why Ma'am?"nag aalalang tanong ni Klaire.

"Kasi nga bagsak ka."natatawang sabi ni Chandler dahilan para manlumo si Klaire.

"Because your score is 100!kaya nilagay nila doon kasi para maging role model ka sa ibang students dito na mas lalo pang pagsipagin ang pag-aaral so Congratulations Ms.Lee!Keep it up!and for those who passed Congratulations too!Job Well done."masayang sabi ni Mam Dimaculangan.

Nakasimangot naman si Chandler ngayon.Tsk.

"Congrats sis!"

"Congrats Klaire!"

"Naks!Libre naman jan oh!"

"Okay class that enough!"sigaw ni Mam Dimaculangan dahilan para matahimik ang mga kaklase ko.

"This Coming Week ay Foundation week na natin.So magkakaroon tayo ng Booth.Anong gusto niyong Booth?"

"Love Adviser Booth!"masayang sabi ng kaklase kong si Chiena.Sabagay pwede rin yun.Nakakasawa na yung mga Marriage Booth.Atleast dito baka may masolusyonan kaming problema about love.

"Agree class?"

"Yes Ma'am!"

"So sino naman ang magiging love adviser?"

"Si Jhoy."biglang sabi ni Klaire at napatingin kami lahat sa kanya.Tumingin si Jhoy kay Klaire na parang sinasabi na bakit-ako-look.

"Si Jhoy ang dapat na love adviser kasi wala lang."simpleng sabi ni Klaire.Magiging love adviser to?Baka mamaya sungitan lang niya ang costumers namin at malugi pa kami.

High School :Love(On-going)Where stories live. Discover now