Childhoodsweetheart

38 1 0
                                    


-Paano ko ba to sisimulan?
Noong nag aaral ako ng elementarya. Merong isang babaeng nagpabago ng buhay ko. Itago na lang po natin ito sa pangalang 'Chie' Noong nag aaral pa ako ng elementarya.  Classmate ko sya. Lagi ko syang binubully. Naiyak pa nga sya pag binubully ko. At nakarating sa puntong nagsumbong pa sya sa magulang nya. Ginagawa ko lang yun kasi gusto ko magpapansin sa kanya. Kaya yun yung way ko para mapansin nya. Binubully ko sya. Ang sama ko dba? Haha.  At lumipas yung ilang araw. Mas tumatagal. Mas lalo ko pa syang nagugustuhan. Umabot na nga sa puntong nakikipag palit pa ako ng upuan para lang makatabi ko  sya. Kasi magkalapit lng kmi. Mga 3 students yung agwat nmin. Ang saya ko noong panahong yon. Kasi nga bata pa ako non. Makatabi lang yung gusto masaya na.  Halos minsan lang ako umabsent non. Kasi gusto ko palaging pumasok para lagi ko syang nakikita.  At lumipas ang panahon. Nka graduate na kmi sa elemtarya. Ang saya namin non. Kasi graduate na kmi. At excited na sa highschool life. 
'Nakagraduate na kami. Hindi na kami nagkikita.

'At yun highschool na kami. Di sinasadyang yung room namin magkatapat lang. 'Section Mahogany ako. Molave sya. Magkatapat lang kmi ng room. Tinitignan ko sya pag breaktime dun ako lagi natambay sa may harap ng room nila. Kaya ang naging favorite subject ko yung Recess. Kasi palagi ko syang nakikita pag recess.  Haha. Yung tipong makita mo lang sya buo na yung araw mo.  Pasok lang ako ng pasok non kahit puro kalokohan.  Dumating sa puntong napatropa ako sa mga nag bubulakbol sa pagpasok. At ayun di nagtagal napatigil ako sa pag aaral. 'Ang gago ko no. Kasi 1st year pa lang nagloko na ako.

'At yun na nga. Tambay na ako samin. Kasi spoiled ako sa magulang e. At kulang ako sa palo kasi mababait yung magulang ko. Kahit puro ako kalokohan. Binibigay pa din nila yung gusto ko. Kaya siguro naging ganon yung ugali ko. ( Sinisi pa magulang) Haha.  'At ayun cellphone is life na lang ako samin. Kase tambay ako at cellphone na lang ang libangan. Uso pa noon yung Gm Gm na yan. Na pang jejemon. 'Sa di ulit sinasadyang pagkakataon. Nakuha ko yung number nya. Di ko lng sure kung saan ko nakuha.  Nagkakausap na ulit kmi tru text. Edi ayun napakasaya ko nong araw na yon. Kasi sino ba namang di sasaya kapag kausap mo yung taong gusto mo. Naging textmate na kami.  Lagi kaming magkatext. Napasok pa sya nung panahong yon di pa nila bakasyon. Halos araw araw na kami magkatxt. 'Niligawan ko sya sa text lang. (Uso yun nung panahon pa namin)  At lumipas yung ilang buwan. Sinagot nya na ako. Di ko makakalimutan yung araw na yun (SEPTEMBER 4 2011) Napaka-Saya ko nong panahong yon.  Halos mapasayaw ako ng (Young Dumb And Broke) Ay wala pa palang ganong kanta nung panahong yon sorry.
At yun 'KAMI' na. Oo kami na. Girlfriend ko na sya. Boyfriend nya na ako. Ayun bakasyon na ng girlfriend kong maganda. 'Gusto ko makipag kita sa kanya. Pumayag naman sya kaso madaling araw mga 4 ng umaga kami nagkikita.  Ang paalam nya sakanila mag jojogging lang.  At ganon din ang paalam ko samin. Wala kaming ginawang ano mang kalokohan. Naglalakad kami na hawak ko yung kamay nya. Habang nag uusap. Feeling ko non nasa langit na ako. Sa sobrang galak. Ang sweet nya sakin. At syempre mas sweet ako di nmn ako papatalo. Lagi nmin ginagawa yon nagkikita kami.  Gustong gusto ko na ulit pumasok non. Para makasama ko sya.

'At lumipas yung taon. Pumasok ulit ako 1styear again. Haha. Edi kami na ngaaa. Excited na naman ako mag luch. Kasi sya yung lagi kong kasabay kumain. Oo. Halos buong school year kami magkasabay kumain. Kaya nga sanay na sanay na ako sa ugali nya. Minahal ko na sya ng sobra sobra.  Minsan nga nag aaway kami dahil lang di ko sya naantay minsan. Iniiwan ko sya. At nagtatampo pa. Di sya minsan nakain pag naiiwan ko. Kasi mas una kming pinapalabas kaysa sakanila.(Ngayon ko lng na realize napaka gago ko talaga)

'At yun dumating na yung time na. (Nauso na yung galawang hokage) Meron akong nakakatext na classmate nya. Itago natin sa pangalang Jha. Niyaya ko sya mag inom ksama yung mga tropa/pinsan kong mga fuckboy na B.I pa.   At yun sumama si jha. Sa isang kundisyon isasama nya yung tropa nya. Edi ayun. Ngiting demonyo kmi nung panahong yon. Nung nalaman nmin na isasama nya din tropa nya. (Syempre mas ngiting demonyo ang mga pinsan ko)  At yun nag inom na kami.  Nagpakasaya kmi. At nawala na sa isip ko na may girlfriend nga pala ako. Kinabukasan. Nalaman nang girlfriend ko. Nakooooo. Galit na galit halos isumpa na ako. Abot abot na yung pagsosorry ko sakanya. At lumipas ang ilang linggo na di nya ako kinakausap/text.  'At yun di nya ako matiis. Nagreply na sya. Tanda ko pa nun habang nakasakay kmi sa tricycle pauwi. Sinasabunutan nya ako. Kasi parehas lang kmi ng uuwian e. Kaya lagin din kmi magkasabay. Taga samin lang din sya.  Dumating yung panahong lagi na kaming nag aaway. Oo. Halos araw araw kaming nang aaway. Umagahan/ Tanghalian/Gabihan namin puro away na lang. Kaya di nagtagal nakipag break sya. (Pumunta ako sakanila non. May mahalaga daw syang sasabihin. Gabi non. Nagusap kmi. Nkipag break sya sakin ng personal. Di ko malilimutan yun. Yun yung luha na di mo nararamdaman tumutulo na pala. Wala na akong nagawa kundi umiyak. Sabay kiss sa noo nya at umalis ako. (Di ko din kasi sya masisisi) Kasi nga puro ako kagaguhan dati.  At yun wala nang kami. Grabe yung pagsisisi ko non. Halos nagkukulong lang ako sa kwarto ko.

'Lumipas ang ilang taon di ako makapag move-on. Naiisip ko pa din sya. Di ko alam kung bakit bigla na lang syang napasok sa isip ko.  Siguro mahal ko pa.  Akala ko noon. Madali lang mag move on.  (Kaya Pala Madamin Namamatay Sa Maling Akala)

' Di ako mkapag move on. Sobra sobra yung pagsisisi ko sa buhay. 

'Lumipas yung ilang taon. Nabalitaan ko na lang may boyfriend na sya.  At nasaktan ako nung nalaman ko.  Dumating sa point na nka block na ako sa 'facebook account nya.  Wala na kaming communication.

'Lumipas yung mahabang panahon. Ganon pa din yung nararamdaman ko mahal na mahal ko pa din sya. Halos  araw araw ko syang naiisip. Mas tumatagal mas lalong sumasakit. Karma ko na siguro to.  Sa mga nagawa kong kasalanan.

'Umaasa pa din ako sa kanya kasi childhoodsweetheart ko sya. Sya lang yung minahal ko ng ganon.

'Dumating yung panahon. Nakita ko nka unblock na ako sa facebook nya. At may friend request pa sakin. Syempre accept nmn agad ako. At nalaman kong wala na sila ng boyfriend nya.

'At yun na nga friend na ulit kmi sa facebook. Chinat ko sya na para bang walang nangyari. Ganon pdin ako sakanyan. Kung ano ako dati ganon pdin ako sakanya. Kasi nga mahal ko pa.

'Akala ko magiging maayos ulit ang lahat. Nagkamali ako sa inakala ko. Di na sya tulad ng dati na sweet sakin. Minsan dinadaan ko na lang sa biro. Pero deef inside nasasaktan ako.  Alam mo yun? Yung hinahanap mo yung dating sya. Pero di mo na makita sakanya ngayon.

'Nsa point na ako ngayon ng buhay ko na susuko na lang siguro ako. Kasi kahit anong gawin ko wala  pa din. Hindi nmn siguro nagpapakitang ang pagsuko e. Kahinaan.

'May mga bagay talaga na kahit gaano mo pa ipilit kung hindi naman para sayo. Wala ding mangyayari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG PAG-SUKO AY HINDI KAHINAAN. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon