Isinulat ko ang tulang 'to para sa babaeng minahal ko ng sobra, pero aminin nyo bakit sa lahat ng kwento laging may ekstra?
Ang tulang 'to ay pinamagatang 'Isip Bata'
"...cause we were just kids when we fell in love, not knowing what it was... "
mga liriko, mga litanyang sa akin ay bumakas,
e kasi nga naaalala ko na bata pa lang tayo noong ang mga nararamdaman natin sa isa't isa ay nagpupumiglas na mailabas
tumagal ng tumagal hanggang sa mga buwan na nga ang lumipas,
hanggang sa natuto na tayong magkasamang lumabas,
Naalala ko pa na tropa lang ang tingin natin sa isa't isa,
Hanggang sa nagkaroon na nga ng pagtingin sa pagitan nating dalawa,
sabi mo pa nga na nahulog ka sa akin nung una akong gumawa ng diskarte,
diskarteng mahawakan ko ang kamay mo na iniisip kong nakahawak din sa puwang na kamay ko palagi,
hanggang sa nahulog na nga ang loob mo sa akin,
Nagkaroon ng spark sa kung ano ang mayroon sa atin,
simula noon lagi nang may lambing,
lagi ka nang iniisip kahit pa sa paghimbin
g,
kaso hindi sa lahat ng bagay mananatili ang tamis,
hindi pala sa lahat ng bagay, kailangan mo ako--- kainis...
Tatlong buwan na rin ang itinagal nating dalawa,
tatlong linggo na rin ang itinagal na hindi natin pinapansin ang isa't isa,
Bakit nga ba tayo napunta rito?
Bakit nga ba napunta tayo sa hangganan ng dulo?
akala ko ba tayo lang walang hanggan at magkasama hanggang sa dulo,
pero bakit tila ako na lang ang naglalakbay mag-isa tinatahak ang daan patungong dulo?
Ahh oo nga pala, dahil nga pala sa kaibigan mo,
sa lalakeng kaibigan mo na sabi mong tropa lang ang tingin mo,
Pero tangina naman mahal, diba sa tropa lang din nagsimula ang 'tayo'?
diba sa magkaibigan lang din nagsimula kaya nagkamabutihan tayo?
e mas madalas na nga kayong magkasama kesa sa ating dalawa,
tapos sya pa ipaglalaban mo pag nagselos ako at di tayo nagkaintindihang dalawa?
mas kaya mo na ngang mawala ako kesa sa mawala sya,
natatabunan na nga ako sa anino ng kaibigan mong 'yan,
natatabunan na rin ang pagmamahal mo simula nung makilala mo 'yan.
"E, sa masaya syang kasama..."
narinig ko na rin 'yan na nanggaling sa iyo!
'yan ang kwento mo noong tinanong ko kung bakit ka sa aking nagkagusto,
sabi mo pa nga, dahil pa sa lagi akong nasa tabi mo,
pero ngayon, nagagawa mo ba akong tabihan 'pag mag-isa ako?
ako na lang 'yata ang mag-isang lumalaban a?
akala ko ba ako lang ha?
punyeta! sabihin mo sa akin ngayon kung sinong mas isip-bata sa ating dalawa,
Ako na seloso o ikaw na hindi alam na nagseselos ako?
Ako na namimiss sya o ikaw na hindi magawang pansinin ako?
Ako na naghahanap hanap sayo o ikaw na binabalewala ako?
ni todo-effort pa ako para mapansin mo,
pero ang mga walang kaeffort effort na nagpapansin sayo e nakukuha ang atensyon mo?
Oo, ginawa ko ang piyesang 'to para maglabas ng hinanakit at sama ng loob sayo,
kasi sa panahon ngayon, hindi naman pansin ng iba kung totoo ang nilalaman ng akdang nababasa nila,
basta ang tingin lang nila, basta lang lumabas sa isipan mo saka mo ginawa,
tingin nila na imahinasyon lang ang bawat akda,
hindi nila alam na ang imahinasyong nabubuo ko sa mga tula ko,
ay malungkot na reyalidad na pala para sa iba-Kuya Ian
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento