Magmahal Muli

194 3 0
                                    

Gusto ko na ulit magmahal, gusto ko na ulit magmahal pero sana sa pagkakataon na magmamahal ako muli, sana yung mamahalin din ako.

Gusto ko na ulit magmahal, ang sarap sa pakiramdam, ang sarap mabuhay, ang sarap mag-alay.
Gusto ko nang magmahal muli, magbigay at maglaan ng bahagi ng aking puso at buhay, ang sarap, sa taong sana mamahlin ka rin ng totoo, tapat at tunay.
Sana bukas o anumang oras ngayon dumating na siya, minsan kasi nakakalungkot na rin mag-isa, mag-isa sa puso, mag-isa sa isip at mag-isa sa pangarap.
Gusto ko ring may kasamang mangarap bukod sa aking pamilya, masaya ako pero iba ang isang pagiging maligaya.

Gusto ko na ulit magmahal kahit pa mapagod at umabot na sa sobrang pagal.
Gusto ko na ulit magmahal, handa na ako ulit, bukas na ang puso ko, gusto ko ng ngumiti ng hindi pilit.
Gusto ko na ulit magmahal at muling umibig ng buo,

ngunit kaakibat nito.......

Naghanda na rin akong masaktan ulit, hanggang matagpuan ang tinadhana , kahit paulit-ulit mawasak at mabigo.

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon