It's the 10th month of the year, ilang
buwan na lang matatapos na ako sa
kolehiyo, maayos ang mga taong
nagdaan, pero iba ang kutob ko sa
taong ito.Something might happen
na ikakabigla ng mundo ko and I was
right.Nag uunahan sa paglabas yung mga
kaklase ko pati na din ako.Mukhang uulan ng malakas ah, hindi
pa man din ako masusundo ni Dad
dahil may inaasikasong kaso. Ayos
lang sana dahil sa kabilang kanto lang
yung bahay, kaso wala akong payong
na dala.Lakad takbo ako sa paglabas ng gate,
pero kung minamalas ka nga naman.
Biglang bumuhos yung ulan, hindi ko
alam kung anong gagawin ko, kaya ilang minuto pa akong nakatayo sa ulan bago ako natauhan."No choice"
Tinuloy ko na lang yung paglalakad, maliligo na lang ako pagkauwi.
"Ang sarap maglakad sa ulan noh?" nilingon ko yung nag salita.
Akala ko hanggang sa maka graduate kami hindi niya ako mapapansin. Palihim akong napangiti, this is it, aarte pa ba ako?
"Uhm... yup" sagot ko sa kanya.
Gosh ang bango niya, hindi ko maiwasang sulyapan siya every now and then.
He has a jet black well cut hair, pointed nose, singkit na mata, and red lips. A face you can't resist. Kaya naman madaming babaeng nagkakagusto sa kanya.
"You walk every day? Ngayon lang ata kita nakasabay"
I should be grateful dahil siya ang nag iinsist ng conversation.
"No, lagi akong dinadaanan ng Dad ko. Lagi ka bang naglalakad Mr. MVP?"
tumawa siya ng mahina habang amused na tumingin sakin.
"Actually ngayon lang ulit ako nag lakad, what did you call me? Mr. MVP?" nahihiya akong tumango sa kanya.Ngumiti siya ng malapad tska tumango tango.
"So, are you one of my fans? You can have my autograph or selfie limited in this time" tinawanan ko siya pero ang hayop nag pout!
"Tsk! Di ko kailangan yun noh! Tska ano naman kung tawagin kitang Mr. MVP, yun naman ang tawag ng mga school mates natin sayo" bumuntong hininga siya bago sumagot.
"Yeah! Yun ang tingin nila sakin" napkunot ako ng noo.
It's true he's the school MVP, he's smart, isa siya sa best student ng Engineering Department and rich, bonus na lang ang pagiging gwapo niya.
"Congrats nga pala sa pagkapanalo niyo kahapon" pampagaan sa atmosphere.
Ilang minuto kasi siyang natahimik.
"Thank you, san ka nga pala?" ngumiti siya ng kaonti"Diyan lang sa susunod na kanto sa may park" bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap sakin, kaya na untog ako sa dibdib niya.
Ang bango niya talaga, ang firm pa ng chest niya, siguro hindi lang siya nag tra training nag g-gym din siya.
"Sa may La Orita compound ka din ba?" tumango tango ako sa kanya.
"Actually magkasunod yung block ng bahay natin" lumapad yung ngiti niya tska ulit tumuloy sa paglalakad."So hatid na kita sa inyo?"
Sa ilang minuto naming paglalakad, hindi ko maitago yung pag ngiti ko, napapatawa din ako sa tuwing may kalokohan siyang kinukwento.
Halos hindi ko na nga namalayan yung pagtigil ng ulan.
"Dito na ako, salamat sa pag hatid?" tumango siya at nag patuloy na sa paglalakad.
Habang ako naman hindi padin makapaniwala. Bago pa ako makapasok sa gate, lumapit uli siya.