•Narrative•
It was an ordinary day—so far. Kanina pa umiikot ang mata ko sa sobrang boring ng klase. Kahit naman honor student ako noong Junior High ay tinatamad din naman ako mag-aral paminsan-minsan.
Nasa kalagitnaan ng pagdidiscuss ang teacher namin nang biglang may babaeng nag-excuse. Singkit ang kanyang mga mata at maputi siya. Halatang may ibang lahi bukod sa pagiging Pinoy. Chinese? Japanese? Jellyfish? Joke! Hindi ko ma-identify, e.
"Sir, good morning! Can I excuse Winchester?" ani ni Chinita girl.
Teka, si Arrow? Hanep! Maganda kaya si Ate.
"Sure." simpleng pagsagot ng teacher namin.
Nilingon ko naman si Arrow na kasalukuyang naglalakad patungo sa labas ng room kung saan naroroon si Ateng. Medyo nanlalaki pa ang mata niya at parang hindi makapaniwala.
Nang makalabas siya ay agad dumamba sa kanya ang babae upang makayakap.
"Winchester, sobra kitang na-miss!" ani nito at biglang humalik sa pisngi ni Arrow.
Lahat kami ay napasinghap sa nangyari, kahit ang teacher namin ay nagulat.
MAY GIRLFRIEND PALA SI ARROW?
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...