•Narrative•
Hindi maialis ang ngiti sa labi ni Arrow pasimula nang dumating si Ateng Chinita. Mukhang good mood ang Mokong dahil naka-score ng kiss sa cheeks at mahigpit na hug.
Naputol ang aking pagmumuni-muni ng bigla akong kinalabit ng isa kong kaklase.
"Kiyarah, akala ko... MU kayo ni Arrow. E sino naman 'yong dumating kanina? " aniya na nagpataas ng kilay ko.
"FYI, hindi kami MU ng Mokong na 'yon. At kung sino man ang singkit na dumating kanina, wala akong ideya. " sagot ko sa kanya.
"Hmp. Sungit. " narinig kong bulong niya. Kung ako masungit, siya naman tsismosa. My gash! People nowadays.
Nagpatuloy na lang ako sa pag-iisip ng kung anu-anong bagay nang may bigla na namang umepal at nagpakita sa harapan ko.
"Hi Chubby Cheeks! Ang cute cute mo talaga. " bati ng Pana habang kinukurot ang dalawa kong pisngi. Good mood talaga.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Itinanggal naman niya ang mga kamay niya. Mabuti naman.
"Ano bang kailangan mo? " tanong ko.
"Wala. Gusto lang kitang batiin at gusto ko lang sabihin na wala muna tayong quality time mamaya dahil may lakad ako. " sabi niya habang nakangiti. Ang tinutukoy niyang "quality time" ay ang practice namin sa pag-acting. Buset talaga 'to, ang daming alam.
Bigla kong naalala ang gusto kong itanong kanina pa. "Sino nga pala 'yong pumunta rito? Curious lang ako—kami ng mga kaklase natin. Kahit si Sir kanina ay tinatanong kami. "
Kunwari ka pa, Kiya! Tsismosa ka rin, e.
Mas lumapad ang ngiti niya. "Ah. Si Tori 'yon. Bestfriend ko. "
"Weh?! Bestfriend? Baka naman girlfriend! " ani ko habang binibigyan siya ng 'Weh? Hindi nga' look.
"Promise! Hindi ko siya girlfriend at bestfriends lang kami. " pagdedepensa niya sa sarili. Kapansin-pansin din na medyo humina ang boses niya sa huling parte ng kanyang pahayag—kaso natandaan ko na medyo humihina na nga pala ang aking pandinig for the past few days dahil sa aking sipon at ubo. Argh.
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Ganoon na yata talaga ang mga mag-friends ngayon na lalaki at babae, malaya silang i-kiss ang cheeks ng isa't isa. Magawa nga minsan. Joke!
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Ficção AdolescentePart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...