•Narrative•
Kinabukasan ay nakapasok din naman ako agad. Sa dami ba naman nang nagsabi sa akin na magpagaling, aba, hindi pa ba ko susunod? Saka infairness, mabisa ang mga "pagaling-ka-tips" ni Tenecius.
Nakatambay at nagkukwentuhan kami ngayon ni Arrow sa corridor sa tapat ng room namin. Napakainit kasi sa loob 'di tulad dito sa labas na medyo mahangin. Wala pa naman kaming teacher kaya ok lang.
"Alam mo ba, dito na nag-aaral si Tori sa school. Academic 11-E ang section niya. " kwento ni Arrow at napa-'Ah' naman ako bilang tugon.
And as if on cue naman ay biglang nagpakita si Tenecius at Tori na kakalabas lang mula sa room nila. Masaya silang nag-uusap at rinig na rinig ang tawanan nila.
Aba, ang bilis naman nilang maging close sa isa't isa.
"Hmm. Bagay sila, ha. " I unconciously said. May posibilidad naman na maging sila. Sa totoo nga lang, ngayon ko lang nakita na ganyan kalapad ang ngiti ni Tenecius.
"Tayo rin naman, bagay ah. Pero hindi naman lahat ng match, nagkakatuluyan. " sagot sa akin ni Arrow. Kami, bagay? Yuck!
"Pero malay mo naman... "
"Malay natin... Balang araw magkatuluyan tayo? " nakangising sabi ni Arrow.
"In your dreams! Ang sinasabi ko sila, hindi tayo. Mokong ka talaga. "
At tinawanan lang ako ni Arrow. Napanguso ako sa naging reaksyon niya. Buset talaga 'to!
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...