Danreb's P.O.V
Nagtagal kaming nakatinginan lang sa isa't-isa.
Walang kibo, walang reaksyon tanging hininga lang namin ang maririnig, pati ang ingay sa mini-concert namin ay nanahimik.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon..
Sobrang saya at sobrang hindi makapaniwala, dahil sa tinagal-tagal ng paghihintay at paghahanap ay nahanap ko na ulit ang taong minahal ko sa matagal na panahon.
Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at halikan sa labi ng napakatagal.
Ng subukan kong lumapit sakaniya upang bigyan siya ng yakap ay tinulak niya ako.
Nagulat ako dahil medyo napalakas yung tulak niyang iyon. Dahilan para mapatumba ako sa damuhan.
Kailangan kong magpaliwanag sakaniya baka sakaling maibalik ko siya sakin, dito. Dito sa tabi ko.
'F-freya.. K-kamusta kana.. Tagal.. mong nawala ah? Na-miss kita.' Sabi ko sakaniya upang mawala na ang tensyon saming dalawa.
Hindi siya sumagot pero makikita sa kaniyang istura ngayon na nagpipigil siya ng luha ng kanina pa'y gustong kumawala.
Hindi parin siya kumibo pero hindi din niya tinatanggal ang kaniyang mga tingin na dahilan para maluha ako.
Kanina ko pa gustong lumuha pero hindi ko magawa.
Naghahabulan ang mga luha ko sa pagpatak sa pisngi ko.
Pinupunasan ko ang mga luhang pumatak sa pisngi ko gamit ang mga kamay ko ngunit hindi ito sapat dahil hindi parin humihinto ang luha ko sa pag-agos.
Napansin kong may hinugot siya mula sa kaniyang bolsa. Nakita kong panyo iyon at inabot niya sakin. Senyales na kunin ko at gamitin ko ito.
Nagda-dalawang isip ako ng kunin ko ito.
Ng makuha ko ay nagpasalamat lang ako sakaniya at ginamit na ang mga ito.
Makalipas ang ilang minuto, ramdam ko na nahimasmasan na ako at tumigil na ang mga luha ko sa pagtulo.
Magsasalita na sana ako ng bigla siyang tumalikod at akmang aalis ng hablutin ko ang kamay niya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad.
'F-freya... Wag mo na akong iwan please?... Hindi ko na kakayanin na mawala ka pa sakin... So please? Choose to stay? Hu-hu hindi mo alam kung gaano naging miserable ang buhay ko noong nawala ka sa piling ko. Kaya ngayong nandito kana... Hindi na kita bibitawan...' sabi ko sakanya habang humahagulgol sa pagiyak.
Nilingon niya ako at tumingin siya sa aking mata. Walang ekspresyon ang kaniyang mga mata at kaniyang mukha.
'Umm.. Diba ikaw si Danreb? Danreb Olivar? Yung vocalist ng FDS?' sabi nito na ikinagulat ko?
'Bakit? Bakit parang hindi niya ako kilala? bakit parang wala siyang alam sa nakaraan?' bulong ng isip ko.
'A-ah?... Oo' sabi ko dito.
'Nice meeting you. Umm.. If you don't find If I ask you, bakit ka umiiyak sakin? At bakit moko kilala? Have we meet before?' sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala na nakalimutan ako ni Freya. Almost 3 years and 10 months lang ang nakalipas pero nakalimutan niya na agad ako? Pano? Mas pinili niya ba akong kalimutan? Ang sakit.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niyang iyon.
Lumipas ang ilang minuto bago ako nakasagot.
'Ye-...' Pagpuputol niya sa sasabihin ko.
'Sorry, If you don't like to share it with me, I understand. Sorry for letting you cry for me. And sorry if in the past I've hurt you alot. Sorry but I have to go now.' sabi niya at tumalikod na ulit at umalis.
BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Fiksi RemajaMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...