Chapter 1

19 3 0
                                    

Emerald's POV

"Ayo gg~ yeah yeah sijaki bolka ama yejom waraye---- aray! Hayop yun ah! Sino yung bumatok sakin?! Kumakanta ako dito e" humarap ako sa likod at nakita ang kaibigan ko na si anne kasama ang iba ko pang kaibigan

"Ikaw ba bumatok sakin anne? Ha?" Tanong ko.

"Hindi ah. Ayun oh ! Siya yun !" Turo ni anne dun sa lalaking nakaupo

Dali dali akong tumayo dito sa inuupuan ko sa canteen at lumapit sa lalaking bumatok sakin. Humanda ka sakin! Kala mo di ako gaganti, hmp. Kala mo lang.

Pagkalapit ko sa kanya ay binatukan ko siya agad.

"Ano ha? Kala mo di yun masakit? Ano fite me ! Fite me !" Sabi ko

Agad naman siyang tumayo at humarap sakin.

O.O - ako

Bat ang gwapo niya ? Kahit na may tapon tapon siya ng juice sa uniform hehe ang hot nya tuloy.

"Ano bang problema mo ha?! Siraulo tong babaeng to" galit na saad nito

Ang kapal din nito ah? Gwapo sana kaso Gwapo talaga e my heart is omygod

"Hoy ! Wala akong problema ! Baka ikaw! Tsaka ako siraulo? Eh mas sira ulo mo pati yang ulo mo sa baba" sabi ko at dinuro duro siya.

" Aba't -----" naputol ang sasabihin niya ng dumating ang mga kaibigan niya.

" Bro tama na yan hahahahahaha sinasayang mo lang oras mo sa walang utak na yan" sabi nung isang lalaki na maputi. Nakalunok ata ng rugby oo rugby hindi gluta. naku!

Tsaka ako daw? Walang utak? Macheck nga mamaya. Bubuksan ko ba ulo ko? Oo tama.

Nabalik ako sa realidad nang magsalita ulit siya.

"Hindi pa tayo tapos" pagkasabi niya nun e umalis na siya.

Pero bago pa siya umalis sinigawan ko siya.

"Tanga ! hindi talaga tayo matatapos kasi walang tayo!"

Huminto siya saglit tapos tinuloy na paglakad hanggang makalabas.

Tsk. Kala niya naman. di porket gwapo siya akala mo gwapo e no.

Tumigil na ako sa pag-iisip kasi natutuyo na utak ko.

Tumingin ako sa paligid at yung mga estudyante halos mamatay na kakatawa.

Yung iba namatay na talaga, iww. Tas yung iba amoy patay, yak.

Tiningnan ko naman sila Anne mula doon sa inuupuan ko kanina. Ayun tawa din ng tawa.

Kaya naman agad din akong lumapit sa kanila at tumawa "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Napatigil naman sila sa pagtawa tapos tumingin sakin "bakit ka tumatawa emerald?" Tanong ni Shin na mukang stick

" Tsk. Kala niyo di ko alam kung bakit kayo tumatawa? akala niyo ah tawa-tawa pa kayo diyan " sabi ko

" Wow! Ikaw ba yan eme? Di makapaniwala. Ambilibabolbol " sabi naman ni Desa

"ambastos mo. kaya ka natatampal palagi ng ina mo" sabi naman ni anne

"So bakit nga kayo tumatawa? Actually di ko talaga alam e hehe nakitawa lang ako ayoko ma-op" sabi ko

So ayun, pagkasabi ko nun nagsitawanan na naman sila. Gosh! Nasa mental hospital ata ako.

Kaya iniwan ko muna sila doon at naglakad lakad may 15 mins. pa naman bago matapos ang break time.

"Majimak cheoreom mamajimak cheoreom~"

ay wait lang. Di ko pa ba nasasabi sa inyo na Kpop fan ako hehe. Fandom ko e Army oha tapos bias ko si G Dragon ang qt niya dun! Diba siya lider nung kinakanta ko kanina yung ayo gg. Oo ayo gg ata pangalan ng Group nila.

Btw, ako pala si Emerald Yuzon. Maganda, maganda, maganda at maganda lang ako. Oo di ko na pinagpipilitan yung may utak ako kasi sabi ng mama ko nung ipinanganak daw ako pisat yung ulo ko tas pinavulcanizing na lang para lumobo. kaya pala feeling ko hangin lang laman nito.

Kasalukuyan akong nag-aaral dito sa Cake Pop University. Diba ganda ng pangalan Cake Pop parang kpop lang hehe. Grade 9 student section 1. Nung nalaman ng mga kaibigan ko na section 1 ako tinanong nila ako.

"Magkano binayad mo?"
"Sipsip ka ba?"
"Hahahahaahaha ikaw section 1"

Yan lang ang iilan pero marami pa yun e gaya ng "tulog siguro mga teachers mo"

Mga bugok talaga tong kaibigan ko. Tulog daw yung teacher e pano kaya sila nagtuturo? Nakapikit. Hays minsan Feeling ko mga bobo tong kaibigan ko e. Macheck nga din utak nila.

Lakad pa, Lakad pa, lakad pa, laka---- Aray ! Ang sakit ! Nauntog ako !

"Sa susunod nga tumingin ka sa dinadaanan mo" boses ng lalaki yung nagsalita.

Hala nagsasalita ba yung pader? Ay pwede pala madami kasing babaeng ganyan, pader na nagsasalita. Except me, may dyoga kaya ako.

Tumayo na ako at tumingin sa kanya

"Ikaw?!! Eh kasi naman dapat ikaw na lang tumingin alam mo naman palang di ako nakatingin e, binangga mo pa ako! " ani ko

"Tsk siraulo, may kasalanan ka pa sakin, tsaka hindi kita binatukan. Ang layo layo ko sayo, bat di mo tanungin mga kaibigan mo? Di pa talaga tayo tapos, humanda ka " sabi niya tsaka umalis.

Humanda ka
Humanda k
Humanda
Humnd
Humn
Hum
Hu
H

Huwat?! Humanda daw ako? Bubuntisin niya ba ako? May gagamitin ba kaming proteksyon? Sana meron po huhu ayaw ko pang maging ina

Dahil sa takot ko tumakbo ako ng napakabilis hanggang makarating sa classroom ko.

-----------

Hanggang dito na muna inaantok na ako hahahaaha time check 12:29 AM goodnight may pasok ba bukas. Salamat sa pagbasa

StwoPidWhere stories live. Discover now