#34 'Share your Love'

44 1 0
                                    

Hindi alintana ang babae ang mainit na sikat ng araw. Patuloy siyang nagsasalita nang pasigaw gamit ang mikropono, kahit pa wari'y walang pumapansin sa kanya.

"Dapat tayong maniwala na ang mga makakasalanan ay mapupunta sa impyerno! Ang mga pumapatay ng tao! ang mga magnanakaw! Ang mga manloloko! ang mga mapanlamang! ang mga mapagmaramot sa kapwa! lahat sila, mapupunta sa impyerno! At lagi nating tatandaan na ang siyang nagbibigay ay pinagpapala!" sigaw ng babae. Habang ang mga kasamahan niya ay may mga bitbit na puting telang supot habang binibigkas ang mga katagang 'Brother, sister... share your love'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon