7. Take Me To The Moon

25 7 12
                                    

Kennedy

Hindi ko sya magawang tignan matapos ang eksenang iyon. Hindi naman nga ako sinampal sa ginawa ko. Pero, naiinis ako mukhang nabastos ko yata sya.

"Pwede ka bang kumanta?" biglang tanong nya. Napalingon naman ako sa kanya, seryoso syang pinagmamasdan ang napakalaking buwan.

"A-anong kanta?"

"Kahit ano, basta yung nakakagaan sa pakiramdam". aniya at hindi ako binalingan ng tingin.

Napabuntong-hininga ako at napapikit.

"When I first saw you, I all ready knew
There was something inside of you~
Something I though I will never find
Angel of mine~"

Tinignan ko sya, nakapikit ang kanyang mga mata na tila ba nagsasabi sa aking ipagpatuloy ko pa ang pagkanta.

"I look at you looking at me
Now I know why they the best things are free~
Gonna love you boy you are so fine
Angel of mine~

Dumilat sya at tinignan ako. Kumakalat ang asul sa kanyang mata pero masasabi kong mas nakaladagdag ganda ito sa kanya.

"How you change my world you'll never know
I'm different now,you helped me grow~"

Napapikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin.

"You came into my life, sent from above
When I lost all hope
You showed me love
I'm checkin' for you
Boy you're right on time
Angel of mine~"

"Ang ganda pala ng boses mo, haha!" aniya napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya sa akin ngayon, yung ngiting walang bukas kumbaga.

"Compliment ba yan o pang-aasar?" nakangising tanong ko.

"Pinupuri na nga,nag-aalinlangan pa! Ibang klase ka Kennedy!" humagalpak sya ng tawa. "Pero, swear! Ang ganda ng boses mo!" nakangiting sabi nya. Pero unti-unting naglaho iyon sa paningin ko ng makita ko kung gaano kalungkot ang kanyang mga mata.

"Bakit?" tanong nya, na halata ang pagtataka. "May dumi ba ako sa mukha?" Umiling ako.

"Yung mata mo.." paghinto ko. "Bakit ganyan sila kalungkot?" tanong ko. "Bakit kahit masaya ka, hindi naman tumutugma ang sinasabi ng mga mata mo."

Napaiwas sya ng tingin sa akin. At mas lalo kong masasabi na talagang malungkot sya. Bakit?

"Nalulungkot lang ako, sa tuwing naiisip ko na hindi ka magtatagal rito. Na kailangan mong bumalik sa iyong mundo." aniya at ngumiti ng bahagya. "Nasanay na kasi ako sa presensya mo, kaya siguro ganto yung lungkot ko."

Nilapitan ko sya at sa di malamang dahilan bigla ko syang niyakap. Rinig ko ang pintig ng kanyang puso, ang marahan niyang paghinga.

"Sabi ko naman sa'yo, sulitin natin yung sandaling nandito pa ako. Kesa isipin ng isipin yung isang bagay na hindi natin alam kung kelan darating." sabi ko sa gitna ng pagyakap sa kanya.

Hindi sya kumibo, naramdaman ko nalamang na nakayakap na din sya sa akin--mahigpit na tila ayaw akong pakawalan.

"Sasamahan kita kahit saan Azul, hindi ako lalayo sayo. Hahawakan ko ng mahigpit ang kamay mo kung mag-alala kang baka isang araw mawala ako sa tabi mo. Sasamahan kita kahit saan mo gustong pumunta." sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Sadyang hindi ko lang matiis na makitang ganon ang kanyang mga mata, nakakapanghina at nakakalunod. Lalo na ngayon, para ng karagatan ang mata nya.

"Salamat ng marami Kennedy." rinig kong sabi nya. "Salamat."

Hinagod ko ang kanyang likod. Nagulat ako ng bigla syang kumalas sa aking yakap at tinignan ako sa mata, at kumanta sa aking harapan.

"I was down my dreams were wearing thin
When you're lost were do you begin~
My heart always seemed to drift from day to day~
Looking for the love that never came my way~"

Ang ganda talaga ng boses nya, ang sarap pakinggan hindi nakakasawa

"Then you smiled and I reached out to you
I could tell you were lonely too~
One look then it all began for you and me
The moment that we touched I know that there would be~ "

Pumikit sya at bahagyang ngumiti. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na tila nakikipagkarerahan sa kabayo. 'What the fck!?'

"Two less lonely people in the world
And its gonna be fine
Out of all the people in the world
I just can't believe you're mine
In my life where everythings was wrong
Something finally went right
Now theres two less lonely people
In the world tonight~"

Napapalakpak ako kaya naman napadilat sya at biglang namula ang pisngi!

"Ang galing! You have an amazing voice!" masayang sabi ko. Hindi sya kumibo at nakayuko sa aking harapan ngayon. 'Nahihiya sya? Eh ang ganda ganda ng boses nya!'

"Don't be shy, maganda ang boses mo." nakangiti pa ring sabi ko.

"T-thank you."

Sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking kamay. Malambot at makintab ang buhok nya sigurado din akong mabango ito. Pero naningkit ang mata ko ng makitang ang dulong bahagi ng kanyang buhok ay nagiging asul. 'What the!?'

"M-may problema ba?" nag-aalalang tanong nya. Marahan kong inalis ang aking kamay doon at nginitian sya.

"W-wala, wala naman." sabi ko.

Kinakabahan ako sa nangyayari sa kanya. Hindi nya ba nararamdaman ang mga iyon? 'Azul.'

"You sure?" tumango ako at nginitian sya.

"A-ah, Azul?"

"Hmmm?"

Nilingon ko ang buwan na sumisigaw ng kagandahan.

"May pakiusap sana ako?"

"Ano?" seryosong saad nya.

"Take me to the moon, Azul".

Kennedy's Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now