It's been a while. This series is almost complete. Yieeee.. I'm egzoited na. Let's now shift to Sky's point of view.
-Reesey
***
*pant*pant*pant*
I really hate running. Bakit ba kasi ngayon pa nasira yung kotse ko? At hindi lang yon, walang ni isang taxi o kahit anong pwede kong masakyan papunta doon ang dumaraan sa kalsadang ito. Nako naman talaga.
Naisip ko tuloy na baka yung letcheng fate o destiny ang pumipigil sakin na huwag nang pumunta. Gusto ko na ngang huminto at magpahinga na lang. Ramdam ko na rin kasi talaga ang pagod. Pero pilit pa ring tumatakbo ang mga paa ko. Tama. Namamanhid na siguro ako. Kaya sasamantalahin ko na, para makita syang muli. Kahit pa ito na ang huling beses.
I just knew that there's no way I would easily get over her. We've literally been through a lot. And I'm pretty sure that a lot of sentiments would linger on.
We started out as friends. And even before the dramatic ups and downs of our relationship, nagkakatampuhan na kami. Good thing na naayos naman agad. But this one's different. Paano nga ba kami umabot sa ganito?
Natigil lahat ng mga iniisip ko nung makita ko na yung simbahan. Kaunti na lang. Pinilit kong bilisan pa ang pagtakbo, dahil baka sakaling umabot pa ako sa kasal niya. Pipilitin kong umabot. Sana umabot pa.
Malapit na ako nang may biglang humawak sa braso ko. I turned to whoever the bastard is and gave him my death glare.
"Huwag ka nang tumuloy, Sky," sabi ni Asher na mukhang kanina pa naghihintay dito. Seryoso sya na akala mo taong kagalang-galang. "Masasaktan ka lang sa makikita mo."
"Matagal na kong walang nararamdaman," walang ganang sagot ko.
"Ay ikaw bahala. Tanga mo. Hayaan mo na yan Asher. 'Di naman yan makikinig sa atin," sabi ni Lex na nandito din pala.
Hindi na ako sumagot pa at binitiwan nga ako ni Asher. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan ng simbahan. Nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin. Tss. Hindi na 'yan pinag-iisipan. Syempre gusto kong pigilan. Pero wala na, huli na pala ang lahat.
"You may now kiss the bride," sabi nung pari na nagkakasal.
Parang nagunaw ang mundo ko nung marinig ko iyon mula sa pinto. Hindi na ko umabot. Nawala na siya sa akin nang tuluyan.
Masyadong malayo ang pagitan ng pinto ng simbahan hanggang sa may altar pero, kahit pa nakatalikod sya, ramdam ko ang saya niya. 'Yon naman ang importante di ba Sky? Yung masaya sya. Kahit hindi sa'yo.
I looked at her and her groom. Yun na lang naman ang magagawa ko eh, tingnan siya mula sa malayo. Nanghihina akong napaupo sa tabi ng pinto habang pinipigil ang pagpatak ng luha ko. This feels shit.
Bakit ganito? Hindi ba ako pwedeng maging masaya? I never asked for anything before. Sya lang. Then this bullshit happened. Bakit kailangan pa akong i-torture? Di ba pwedeng patayin na lang agad?
Tama nga si Asher, dapat di na ako pumunta dito. Pero di ko naman alam na ganito pala kasakit eh. I should probably get off. The longer I stay in here only makes it more painful.
Tatayo na sana ako at aalis nang may babaeng dumaan sa harap ko. Nagtetext siya at nakatitig lang sa cellphone. We were both distracted kaya hindi nya ako napansin at natisod ko siya.
"Aray! Bakit ka ba nakaharang dito? Hindi mo ba alam na-" naputol ang sasabihin niya nang makita niya ako.
"Re-Reese? Te-teka, bakit ka nandito?" paiyak kong sambit sa pangalan niya. Ang tanga ng tanong mo Sky. Malamang di ba. Napatingin pa kong muli sa altar bago bumaling sa kanya. My sight is a bit of a blur.
BINABASA MO ANG
The Iced Gems Series
General FictionA story of frienship, loyalty and love. Join these friends as they tackle issues of differences, brokenheartedness and life's surprises.