•Narrative•
Napalingon si Tori sa kinaroroonan namin. Kinawayan niya si Arrow at patakbong pumunta papalapit sa amin. Sinundan naman siya ni Tenecius."Hi Arrow! " bati ni Chinita sa kasama ko. Binaling naman niya ang tingin sa akin at nginitian ako. Syempre dahil mabait ako, ginantihan ko rin ang ngiti niya.
"Tori, wala pa naman kayong teacher 'di ba? " tanong ni Arrow at tumango si Tori bilang sagot. "Tara, punta tayong canteen! Libre mo ako. "
Kapal talaga ng mukha nito! Wala nang nagawa si Tori nang hinaltak na siya ng Mokong paalis. Kami na lang ni Tenecius ang natira.
Pumaibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Gusto ko siyang kausapin—kaso 'di ko alam ang sasabihin. Sa saglit na pasulyap-sulyap ko sa kanya, nakita kong nakatingin din siya sa akin at parang may gustong sabihin.
Ano ba 'to... NAKAKAILANG!
Lumipas ang isang minuto at heto kami, parehas na nakapatong ang siko sa railings ng corridor at pinagmamasdan ang kabilang building at pati na ang mga estudyanteng naglipana.
Maya-maya, hindi sinasadyang nagtama ang mga siko namin. Jusko, mas nakakadagdag ng pagkailang!
"Ay, sorry! "
"Sorry."
Sabay naming sabi at nagkatinginan. Pagkatapos nito ay sabay kaming napangiti—isang pigil na pagngiti.
Hindi ko na napigilan kaya natawa na lang akong bigla. Mukhang baliw lang, e 'no. Shems, nakakabaliw naman 'tong kaganapan na 'to!
Natigil lang ako sa pagtawa nang magsalita si Tenecius. "Ah...Kiyarah, okay ka na ba talaga? Baka naman may sakit ka pa, ha? Epekto ba 'yan ng mga gamot na iniinom mo? " at pagkatapos ay inilapat niya ang likod ng kamay niya sa noo ko.
Sa 'di malamang dahilan, parang biglang nanumbalik ang init sa katawan ko. Teka, baka nabinat ako!
"Basta, patuloy mo pa ring inumin ang mga gamot mo. Tapos katulad ng sabi ko sa'yo, alagaan mo ang sarili mo. Kumain ka ng masusustansyang pagkain saka... dapat nga hindi ka muna pumasok, e. Nagpahinga ka na muna sana. "
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Para akong nagpapa-check up ngayon sa isang doktor at sinasabihan ako ng mga dapat gawin. "
"Ehem, future Dr. Tenecius Alta Miranda 'to. " aniya at saka ngumiti nang kasama pati ang mga mata.
Parang 'yong ibinibigay niyang ngiti kay Tori 'to, ah.
Tumango ako bilang response sa sinabi niya. Kaya pala nag-STEM 'to.
"Kiyarah... "
"Hmm? "
"Sorry nga pala kung nakisilong pa ako sa payong mo. Ayan tuloy nabasa ka ng ulan at nagkasakit ka p—"
"Hep! " pigil ko sa kanya. "Wala kang kasalanan, Ten. Saka ang mahalaga, okay na ako ngayon, 'di ba? Saka... salamat nga pala sa mga advices mo. Highly appreciated! "
Parehas naming ibinalik ang tingin sa kabilang building.
Sa aming pananahimik na muli, saka ako napaisip.
Para pala kaming baliw ni Tenecius ngayon, 'no? Natatawa at nangingiti kami ng walang dahilan. Toyo lang e.

BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Ficção AdolescentePart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...