10

449 37 9
                                    

Nangangati ang buhok ko kakaisip kung sino ba talaga? Sinong makakatulong sa akin para magka-rank ang lola nyo?!
Nasa library ako, habang nagmamasid kung sino-sino ang mukhang matalino at maasahan para pwedeng tutor ko? Mag eye-witness nalang kaya ako?
May biglang umupo sa bandang kanan ng table ko, nakalamon ito ng lollipop at parang wala pa atang ligo dahil ang gulo gulo ng buhok ni kuya! Eer~
Eks! Hindi sya pwede.
Baka sa kanya ko matutong maging adik, ayaw ko sa kanya.
Sino pa ba ang pwede?
Tumaas ang kanang kilay ko ng makita ang isang babae na nasa sulok lang at nagbabasa-----ng cellphone.
Eks. Di sya pwede, baka puro facebook lang ang alam ng babaeng to.
Uminom muna ako ng tubig sabay lunok, naubo ako ng may tumabi sa akin, nadilaokan ako!
Habang ubong-ubo ako ay walang humpay ng tawa ang narinig ko mula sa katabi ko.
"Haha, weak.
Pinunasan ko ang basang tubig sa bibig ko.
Ang hilaw na artista na naman!!! Grrrrrrrr!!!!
Umisog ako sa pagkaupo para makalayo sa kanya, hindi nalang ako umimik baka may peso ako sa librarian, masabihan pa ako ng "PLEASE SILENT"
Biglang naging angry bird ang mga kilays ko ng umisog din ito sa kinauupoan nito at lumapit pa sa akin.
"Never naging virus ang isang hunk na gaya ko, huwag mo naman akong layoan"
Bulong nito sa teynga ko, lumayo nga ako agad.

Bumulong din ako sa kanya
"Eh kung hampasin, jumbagin kaya kita jan, pwede ba, layo-layoan mo muna ako? nakakabadtrip ka dong eh!
para kaming mga temang sa bulongan sa totoo lang.

"Naligaw ka kasi sa lugar ng matatalino eh, sa library?
Ngumisi na naman ito sabay tingin ata sa akin kung naaasar na naman ako sa banat nyang pang-aasar.

"Eh ano bang paki mo ha? Mind your own business.
Umisog na naman ako para makalayo sa kanya pero sya naman tong sunod ng sunod, kaasar!
Napahawak ako sa table ko, kung nasa cartoon pa ako? Baka naihampas ko na tong table sa pagmumukha nya!
"Pwede ba, tigilan mo na ako? Minsan na nga lang ako nag-s-seryoso ng pag-aaral eh, bisit ka rin eh!
Napagawi ako ng tingin ng may nakita akong tao na mismo sa harapan ko na nag-aaral na parang seryosong-seryoso sa binabasa nya? itinulak ko muna si hilaw bago ako tumayo at tumabi dun sa lalaking abalang-abala sa pagbabasa.
Nagulat pa nga ito.

"Tsk!
Napatingin ako kay hilaw na parang nainis din sa pagtulak ko kanina, na beast mode bigla ang mukha nya eh, buti nga sayo!

"Hi, I am grasya...
Amkapal ko para maglahad ng kamay tanda ng pagpapakilala, pagtingin ko dun sa lalake ay hindi sya nakatingin sa akin bagkus ay abala padin ito sa binabasa nya, wow naman, ikaw na kuya wala ng makakaagaw sayo, hoy!! Sya na mga kababayan!! Ikaw na kuya, ikaw na-----
Nakadama ako ng kakaibang panginginig sa aking inilahad na kamay at the same time, pagkahiya dahil, grabi naman uy, hindi nya ba kukunin ang kamay ko na nakalahad? Babawiin ko naba?
Nagulat ako ng sa wakas ay kinuha na nya ang kamay ko, namilog ang aking dalawang eyeballs, dahil, ang gwapo guys! Este----titibo-tibo----nabuhay bigla ang aking pagkakababae----
(>_<) hekhek.
Bago pa ako ma-distract, sasabihin ko na sa kanya ang pakay ko, baka lumiko pa ako ng pakay eh, tsaka mukha namang matalino?
"Ano kasi, anong subject ang paborito mo?
Paki-Report sa GMA at ABS sa Rated K at Jessica Soho na may kakaibang nilalang ang may ari ng korona ng "FC"
(Feeling Close)
Ako na! Ako na ang FC!!!


"Math, why?"
Napalunok ako sa narinig ko, math? Ang walang humpay na parang teleseryeng ayaw tumigil sa buhay ng tao, MATH?!! AS-IN MATHEMATICS?!!!!





''Haha, siguro....matalino ka dun noh?
FC strike, paki gabayan ang mga 18 age below at baka gumaya?? this is warning mga kababayan.
(>.....>)





"Maybe.
Napangiti ako kasabay ang pagtayo ng dalawa kong teynga.
Radar? sya na nga ata itong aking hinahanap.





"Ano kasi.....p-pwede kabang----
Nag-ingay bigla ang buong library kasabay ng pagsunod ng aking mga mata sa aking kamay.
"Ano---??!!!





"She just asking if your done reading that book, no worry, I found the other book fit to her small mind.
Sa kamay lang ako ng nakatingin dahil kapit-kapit ako ni hilaw!!!!




"Ano----?!!!
Hindi na ako nakapagreact pa dahil ura mismo ay tumayo na yung lalake at iniwan kami sa table.
Nakanganga ako habang sinusundan ng tingin yung lalake na paalis na ng pinto!
"SIRA KABA ANONG GINAWA MO!!!!!!





"I changed my mind, tuturoan na pala kita...
Isang kurap pa ng mata ko bago ko narealize yung sinabi nya.
"tomorrow na lang kita bibigyan ng schedule para sa tutorial.
Napalingon agad ako dahil pakiramdam ko ayaw mag sink in sa utak ko ang sinabi nya, napagtanto ko nalang ang sarili na nakasunod sa kanya sa lakad.





"huwee? di nga? tuturoan mo ko?
Hinampas ko sya sa braso, napaka FC ko talaga, napa angry bird tuloy ang kilays nya sa akin ng di oras.
"sinaniban ka ba? bakit nagpalit bigla ang utak mo?
napatigil kami sa paglalakad ng huminto bigla si hilaw.





"gusto mo bang bawiin ko ha saltik?!
Napailing ako sa sinabi nya na para akong tutang nagmamapakaawa sa amo na "huwag".
"ayaw mo ata eh--"





"GUSTO!!!!
tinapakan ko tuloy ang paa nya, kaya ayun, todo lundag-lundag sya, babawiin pa kasi, ayaw ko ng magulong tao!!!
"BAWAL BAWI! BAKA GUSTO MONG MAKAKITA NG DUGO SA ILONG MO! SUBUKAN MONG TUMANGGI!!! SIGE!!!!
Kumurap nalang ako sa kanya bago ako umalis, pinapaiinit pa kasi ang ulo ko, magpapaka-willi pa kasi, na kung lalaban ka? pipilitin kang babawi, at kung babawi ka naman? pipilitin kang lumaban, ano ba talaga?!!!! GAME SHOW BA ITO? O GAGOHAN?!!!
HAYST!










#J U N C E M A N H I D

Artista, Ang Aking KaawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon