(AUTHOR's NOTE: SKY and STAR yung nasa photo.)
Chapter 3
"Naman oh Star! Pwede ba magseryoso ka muna? Kanina ka pa nakatunganga jan."
"Eh kasi nga inaantok talaga ako eeeeeeh!", nakapatong parin yung dalawa kong arms sa table tas nakapatong din yung ulo.. may papikit-pikit pa. Andito kami ngayon sa Library at gumagawa ng Research and partner kami ni Sky. So, obviously sya lang gumagawa. hihihi ^_^
"Di na mapipigilan yang antok mo?"
"Di na."
"Okay. Sge ganito nalang makinig ka, may itatanong ako sayo. Madali lang to", he stopped whatever he's working at tinignan ako.
"Okay." then i looked at him. Nakapatong na ang elbow ko sa mesa, tas nakapatong naman yung ulo ko sa palad ko. (Amm gets nyo pa position ko? bahala na kayo. :P)
Ready to liste. :)
"Nagising ka ng 3:00 am dahil binulongan ka ng Mama mo na bumaba. Nakita mo syang lumabas agad sa kwarto mo kaya sumunod ka na rin. Paglabas mo sa room mo, nakita mo sa sala na naka bukas ang pintuan nyo at nakatayo dun ang Mama mo. Tinawag mo syang "Mama" at lumingon sya sabay sabing "Wag kang bumaba anak, narinig ko rin sya."
Bigla nalang akong napaayos ng upo at nag sitayuan ang mga balahibo ko. Shet.
"Ngayon kanino ka maniniwala sa bumulong sayo o sa taong nasa pinto nyo?"
"SHET!!! Ano ba yang sinasabi mo jan Sky! Nakakakilabot. yieeeee!"
Bigla nalang akong naghanap ng book at nag simulang magbasa. Nakakainis. Takutin daw ba ako. >.<
"Oh? Bat ka nagbabasa? Kala ko ba inaantok ka? haha"
at may gana pa syang tumawa. Psh.
"Matapos mo akong takotin tingin mo makakatulog pa ako? Aish!" sabay inirapan ko sya.
"HAHAHA! Yan! Nagising ko rin yang kaluluwa mo. haha"
"Tawa pa." Tumayo ako, kukuha nalang ng ibang books para magamit namin.
"Oy san ka pupunta?", tawag ni sky sakin.
"May kukunin lang na libro." mahinang sabi ko.
"Oh sige. Ingat ka ha? Baka may biglang bumulong sayo jan.", sabay kindat sakin.
WHAT THE EFF!?
"Shut up Sky!" tas naglakad na ako. Narinig ko pa syang tumawa ng mahina.