Nagsimulang Lovelife

56 6 1
                                    

 © NAGSIMULANG LOVELIFE

   (ONE SHOT)

Written By:

 BrandTentertainmenT

NAGSIMULANG LOVELIFE

Copyright © june 21- june 21, 2014

ALL RIGHTS RESERVED.

~*~

ROSE POV

"sige ingat ka sa paguwi ah? lalo na't gabing gabi na." tumango ako sa sinabi ni rochel kaibigan ko tapos kumaway ako sakanila

"ingat kayo mga friends!" tumango silang lahat at naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep. at kung sinuswerto nga naman may natirang pang isa at hinihintay na ako. sumakay na ako sa jeep hanggang sa mapuno na at nagsimula na itong umandar

nakatingin lamang ako sa labas ng bintana hanggang sa pumara na ako. pagkababa ko ay tumingin ako sa orasan ko.

11:35 pm na. waaaaaaaaaaa! pagagalitan na ako ng bonggang bongga ng aking nanay lalo na ng aking itay! eh sa may party party kanina tapos invited pa ako edi sumama na din ako. sayang ang opportunity lalo na't may maraming pagkaing nakahain

atsaka sa sobrang saya ko sa pagkain eh sumayaw sayaw pa kami. saya saya nga eh.

habang nakabulsa ang parehong palad sa bulsa ng jacket ko at habang naglalakad ay nagulat ako ng biglang may van na tumigil sa harapan ko. nanlaki ang mata ko at nagtaasan ang mga balahibo ko lalo nung bumukas ang pintuan nito at may dalawang lalakeng nakangisi ang nakatingin saakin.

"miss nag-iisa ka ata?" sh*t sh*t sh*t sh*t sh*t sh*t sh*t sh*t sh*t!!!! tulooooooonggggg!!

"a-ah e-eh.."

"wala kang kasama ah, gabing gabi na din." napalunok ako. eto yung napapanews eh. sila yung mga lalakeng nangunguha ng mga dalaga tapos nirererape nila pagkatapos ay cho-chochopin ang katawan. tae ayoko namang mangyari sakin yun. lalo na't wala pa akong nagiging boyfriend! gusto ko pang mabuhay!

Nagsimulang Lovelife(ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon