NAPAKAMOT ng ulo si Kiefer nang muli niyang makitang naghihintay sa labas ng pintuan ng gym si Morphine. She's really persistent, huh! Napabuga siya ng hangin.
She has been chasing and declaring her feelings for him, for a year now. Alright, Morphine Reyes is a cute girl; maputi at makinis ang balat nito, maganda ang mapupungay na mga mata nito, may kakapalan ang kilay, maliit ang mukha at marahil ay nasa five four ang height, maiksi ang natural brown colored hair nito na umaabot hanggang balikat nito, she's smart dahil consistent ito sa dean's list and talented; dahil magaling itong kumanta at mag-gitara, dagdag pa na nakakatuwa ito at naaalis nito minsan ang pagka-homesick niya—pero sa mga panahong tulad ngayon, wala pa siyang oras sa larangan ng pag-ibig o para ma-in love—ulit, because he's still in the process of forgetting and moving on.
Nag-transfer siya ng School from the University of California mahigit isang taon na ang nakakaraan, pagkatapos niyang maayos ang mga credentials at transcript of records niya sa dating school niya. Wala namang naging problema sa paglilipat niya ng school at na-carry ang lahat ng mga subjects niya, kaya regular student siya sa school ng parehong kurso.
Nagpasya siyang manatili sa bansa dahil bukod sa gusto niyang dumadalaw sa Tito Ryan—na Papa ni Sasa, dito na rin siya sa bansa magpatuloy ng pag-aaral, matutong mamuhay ng mag-isa at maranasan ang tumira dito. Dito siya sa Pilipinas ipinanganak pero lumaki siya at nag-aral sa States.
Nang maayos na ng mga magulang niya ang lahat ng tungkol sa Papa ni Sasa at sa pamilya nito ay bumalik din agad sa States ang mga magulang niya para balikan ang kani-kanyang trabaho ng mga ito.
Charmaine Sandejas, his Mom was a teacher and his Dad Looney was a Businessman, who owned a big gadget shop in a Mall in the States. Both of his parents were also into sports; his Dad was a previous Basketball player and his Mom was a volleyball player.
Nagtaka ang mga magulang niya no'ng una dahil sa desisyon niyang magpaiwan na lang sa bansa, pero sa huli ay pinayagan na rin siya ng mga ito dahil gusto rin ng mga itong matuto siyang maging independent.
At ang pananatili sa bansa ay isa na ring paraan para tuluyan na siyang makapag-move on sa nararamdaman niya.
He was in love with Mikaela, his best friend. Kaedad niya ito at kaklase simula high school hanggang college. His feelings were all written in his diary; yeah he has a secret notebook which he used as his diary.
Hindi niya in-expect na mahuhulog ang puso niya sa kaibigan. Halos dalawang taon din niyang itinatago ang nararamdaman niya and until now ay wala pa rin itong alam tungkol doon, pero mabuti na rin siguro 'yon para hindi na maging kumplikado ang lahat.
Mikaela was one of the cutest, sweetest and funniest girl she had ever met, para ngang minsan nakikita niya ito sa katauhan ni Morphine, 'yon nga lang mas hyper and energetic si Morphine dito.
Ang problema kaya hindi sila pwede ni Mika ay dahil—she was already committed with someone else, na isa sa mga kilalang estudyante sa dati niyang paaralan. Mabuti na lang at napag-desisyonan niyang manatili na lang dito sa bansa, at least maiiwasan na niyang masaktan dahil sa dulot ng lihim niyang pag-ibig sa kaibigan.
Ngayon ay mag-isa na lamang siyang nakatira sa bahay na binili ng mga magulang niya, minsan ay dumadalaw din sa kanya ang mga kaibigan niyang sina Sasa at Cyrus at ang mga magulang ng dalaga, maayos at nakakalakad na rin kahit pa-unti-unti ang Papa ni Sasa! At kung minsan naman ay siya ang dumadalaw sa mga ito.
Ngunit hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagka-homesick dahil nami-miss din niya ang kanyang mga magulang at mga kaibigan sa States, lalo na si Mika, pero nilalabanan niya ang damdaming 'yon, saka marami na rin siyang mga nakilalang kaibigan sa bansa.
BINABASA MO ANG
The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)
Ficção AdolescentePapatunayan ni Morphine na pantay-pantay na ang mga kababaihan at kalalakihan ngayon, dahil siya na ang manliligaw sa campus crush at love na love niyang si Kiefer Isaac! <3 (Inspired by Kiefer Isaac Ravena)