Chapter 17: Seoul Korea

687 21 0
                                    

M A Y      0 6      2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Isabel's Point of View

"Lhexine, Magui, alagaan niyo itong bunso natin ha? Call me if you need something or what. Two weeks lang ha? At sa Seoul Korea lang kayo." Matinding bilin sa kanila ni Lola Min. Silang tatlo ni Tito Jordan at Anghel ang naghatid saamin dahil busy ang iba.

"Yes, Lola, kami na ang bahala sa kanya." Sagot naman ni Ate Lhexine kay Lola tsaka humalik sa pisngi nito. Ganun din naman ang ginawa ni Tita Magui at nakigaya na ako.

"Be careful, Sab ha? Take lots of pictures for Lola." Bilin niya saakin. Mahilig kasi magscrapbook si Lola Min kaya tambak ang mga pictures namin sa bahay.

Lumapit naman ako kay Anghel para magpaalam na. Kinakausap pa kasi nina Tito Jordan at Lola Min sina Tita Magui at Ate Lhexine.

"After two weeks, ako naman ang makakasolo sayo." Nginitian ko siya at ikinawit ang braso ko sa leeg niya.

"Mamimiss kita." Bulong ko sa kanya.

"Baby, wag mo naman sobrang ipahalata sa lahat na hulog na hulog ka saakin." Nakangising sabi niya pero imbes na batukan ko siya o barahin ay hinalikan ko siya sa labi. Sa hindi malamang dahilan ayaw ko lumayo sa kanya.

"I want to stay here." Nakangusong sabi ko nang maghiwalay ang labi namin.

"Baby, nagpromise ka na sa dalawang maarte. Don't worry, pagbalik mo, makakasama mo na ako habangbuhay." Nakangiting sabi niya tsaka dinampian ng halik ang labi ko. Ganito kami kaclingy sa isa't isa.

"Wag ka mambababae ha?" Bilin ko sa kanya. Napairap naman siya dahil sa sinabi ko.

"Dipende." Sagot niya tsaka nilibot ang paningin sa paligid kaya tinakpan ko ang mga mata niya.

"Subukan mo naman, Anghel, hahanap din ako ng gwapong koreano doon." Humalukipkip ako.

"Sige subukan mo, Isabel, wala ka naman mahahanap na kasing gwapo ko doon. Tsaka nasa akin ang puso mo, imposible na magmahal ka ng iba." Sagot niya. Kaagad naman akong natawa dahil sa sinabi niya. Ang baliw talaga kahit kailan.

"Sab, let's go." Tawag saakin ni Tita Magui. Sumenyas naman ako na bigyan pa niya ako ng five minutes at tinanguan lang niya ako.

"Here, isa yan sa mga gifts ko sayo. Yung iba, ibibigay ko kapag nasa Siargao na tayo." Kinindatan pa niya ako tsaka isinuot saakin ang kwintas na ipinakita niya. Yung pendant niya is yung rectangle na gold tapos may name ko na nakaukit, sa likuran nun ay ang pangalan niya.

"This is where I belong, next to your heart." Bulong niya saakin.

"Ayaw mo ba sa mismong heart ko?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede naman, baby. Pero gusto ko kasi nasa heart mo is yourself and your family. Doon na muna ako sa tabi, I will guard your heart." Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha niya dahil nakasumpong nanaman ang pagiging korni niya.

"Sab, let's go! Para naman kayong hindi magkikita ni Anghel ulit!" Tawag nanaman saakin ni Ate Lhexine. Nilakihan ko ng mata tsaka sinabing sandali lang.

"Alis na ako." Baling ko kay Anghel. Hinapit nanaman niya ako sa bewang tsaka hinalikan ng maingat sa labi.

"I'll see you in two weeks. Ingat kayo doon and have fun. I love you." Bulong niya habang magkadikit pa rin ang noo namin at nakakawit ang mga kamay ko sa leeg niya.

"Yeah, see you in two weeks. I love you, too. Ingat ka rin dito ha?" Paalam ko at muli siyang hinalikan. Ewan ko ba pero gusto ko lang siya yakapin at halikan buong buhay ko. Ayaw ko talaga umalis sa tabi niya ngayon.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon