Liwanag tungo sa kaligtasan
Pasugo Issue: April 2007
Volume 59 • Number 4
ISSN number: 0166-1636 • Page 19-20
Pagkakakilanlan sa tunay na Iglesia
Sinulat ni Kapatid na: Bienvenido C. Santiago
ALINSUNOD SA PAGTUTURO ng ating Panginoong Jesucristo mismo, ang pagsunod sa Kaniyang mga turo ay isa sa mga mapagkakakilanlan sa mga tunay na alagad Niya. Ito rin ang isa sa mga Karachi an at palatandaan ng tunay na Iglesia. Ang sabi ni Jesus:
Juan 8:31 (Magandang Balita Biblia).
"Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo'y mga alagad ko"
Mariing ipinapansin ni Apostol Juan sa isa sa kaniyang mga sulat.
2 Juan 1:9 (ibid.)
" Ang hindi nananatili sa turo ni Cristo kundi nagdaragdag dito, ay hindi pinananahanan ng Diyos. Sinumang nananatili sa turo ni Cristo ay pinananahanan ng Ama at ng Anak."
Kaya, sinumang tao o alinmang samahan o kilusang pangrelihiyon na hindi sumusunod sa aral ni Cristo ay hindi maaring maging sa Diyos o sa Kaniyang Anak na si Jesucristo. Subalit paano makasusunod sa aral ni Cristo ang sinuman kung ito'y wala sa Kaniya? At paano naman matatanggap at matataglay ng tao ang mga turo ni Cristo na nagmula at nanggaling din sa Diyos?
Juan 12:49
" Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain."
Malibang ang magturo nito sa kaniya ay yaong pinagkatiwalaan ng mga aral na ito?
Sa panahon ng mga propeta, ang pagtuturo ng mga aral ng Diyos ay ipinagkatiwala sa Kaniyang mga sugo. Ganito ang itinala ni Propeta Malakias sa kaniyang aklat:
Malakias 2:7 (Magandang Balita Biblia)
" Tungkulin ng mga saserdote na ituro ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Sa kanila dapat sumangguni ang mga tao tungkol sa aking kalooban, sapagkat sila ang mga sugo ng Makapangyarihang si Yahweh."
Maging sa panahong Cristiano ay sa mga sinugo ng Diyos ibinigay ang salita at ministeryo ng pagkakasundo. Ipinahayag ni Apostol Pablo:
2 Corinto 5:18-20 (New Pilipino Version)
" Lahat ng bagay ay mula sa Dios. Sa pamamagitan ni Cristo'y ginawa niya ang paraan para makipagkasundo tayo sa kanya, at ibinigay niya sa amin ang ministeryo sa pagkakasundo. Sa pamamagitan ni Cristo'y ginawan nga niya ng paraang makipagkasundo sa kanya ang sanlibutan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan. At ipinagkatiwala niya sa amin ang mensahe ng pagkakasundo. Kami'y mga sugo ni Cristo na wari bang ang Dios ay namamanhik sa pamamagitan namin. Kaya, sa pangalan ni Cristo ay namamanhik kami sa inyo: Makipagkasundo kayo sa Dios"

BINABASA MO ANG
Pagkakakilanlan Sa Tunay Na Iglesia
SpiritualPara sa karagdagang katanungan hinggil sa mga pangunahing Doktrinang sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo. Maari po kayong magtungo sa mga pinaka malapit naming Lokal o dako ng gawain upang doon ay makausap ninyo ang aming mga Ministro o mga mang...