8. Happiness

31 6 15
                                    

Kennedy

"Alam mo ba kung bakit naimbento ang gunting?" biglang tanong ni Azul. Nandito kami ngayon sa buwan, este sa ibabaw ng bilog na buwan. Masayang pinagmamasdan ang kalawakan.

"Bakit?" tanong ko habang natatawang tinitignan sya.

"Para putulin, ang lahat ng masasakit na bagay na nangyayari sayo."

Natawa naman ako. "Seriously? San mo naman nakalap yang ganyan?" naiiling na sabi ko.

Sinamaan naman nya ako ng tingin. "Wala! Sarili kong gawa, at saka pinagtatawanan mo ba ako?" naniningkit na matang tanong nya.

"Hindi!" sabi ko. "Pero alam mo ba kung bakit nabuo ang glue?" tanong ko sa kanya.

"Wait! Parang narinig ko na yan sa isang palabas!" pigil nya.

Napasimangot naman ako. "Its my own version okay?"

Natawa naman sya. "Okay sige sabi mo e, go on"

"Nabuo ang glue para kahit gaano man kawasak ang puso mo, magagawa pa rin itong magdikit-dikit at mabuo." sabi ko. Naging seryoso naman ang kanyang itsura. "Na kahit maging pira-piraso yan, mabubuo at mabubuo pa din yan." sabay turo ko sa puso nya.

Natawa naman sya. "So corny! Pero siguro nga? Ganon ang kanilang misyon sa mundo. Kennedy?"

"Baket?"

"Pag nagmahal ba? Palaging nasasaktan?"

Napatigil naman ako sa tanong nya. Bakit nya naman kaya naitanong?

"Hindi naman." sagot ko. "Hindi naman palaging masasaktan ka, minsan nagdudulot din ito ng kasiyahan sayo. Pero siguro? Masasabi kong masasaktan ka kapag sobra na, kapag masyado ng malabo para maayos. Siguro doon ko masasabing, masakit pag nagmahal. Pero,hindi kasi matatawag na 'pagmamahal' kung hindi ka nasaktan."

Napangiti naman sya."Ganoon ba? Sabagay may point ka, hindi matatawag na pagmamahal kung hindi nasasaktan." aniya.

"Bakit mo naitanong?"

Napailing sya. "Wala? Haha. Nga pala, anong pangarap mo?"

'Pangarap ko?' "Hmmn". ano bang pangarap ko? "Ahm, pangarap kong maging Doctor." sabi ko sa kanya. "Para matulungan ko yung mga taong nag-aagaw buhay, at matulungan silang lumaban." nakangiting sabi ko. "Ikaw? Anong pangarap mo?"

Ngumiti sya pero parang pilit. "Ako? Pangarap kong makaalis sa mundo ko". aniya. "Gusto kong masilayan ang totoong mundo, yung hindi ganito."

"Bakit? Ayaw mo ba sa mundo mo?" tanong ko. Ngumiti sya ng bahagya at kinagat ang kanyang labi.

'Hindi sa ayaw ko, kundi dahil gusto ko ng mamulat sa totoo." makahulugan niyang sabi. "Na-realized ko na, hindi lahat ng nakukuha mo yun ang magdudulot ng kasiyahan sayo hanggang dulo. Sa una lang masaya, at the end of the day matatapos din yung kasiyahang iyon dahil mananawa ka."

"Nagsasawa kana ba dito?" tanong ko, hindi nilulubayan ang kanyang tingin.
Marahan syang tumango. "Edi gumawa tayo ng ibang paraan para maging mas masaya ang pananatili mo dito. Gawin nating mas kaaya-aya at hindi makakalimutang ala-ala."

Nag-iwas sya ng tingin. "Ala-alang, lilipas din." marahang sabi nya. "Ala-alang magdudulot ng sakit, pait, at pighati sa iyong puso. At mahihiling na.. na sana, hindi nalang iyon dumating sa buhay mo."

Bakit pakiramdam ko napakasakit ng buhay na meron sya? Bakit pakiramdam ko pinagkaitan syang lumigaya? Bakit parang hindi sya nakatadhanang sumaya?

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. "I can be your world, Azul. I'll do anything just to make you happy". nakangiting sabi ko.

Nilingon nya ako at nangingilid ang kanyang luha. "Y-you dont have a-any i-idea how much you make me h-happy." nakangiting sabi nya habang pinapahid ang mga luhang iyon. Inilapit ko ang aking labi af hinagkan ang kanyang noo.

I know this, I know that one day 'll fell for this girl. And that day is now, I'm falling in love with her at alam kong mas lalalim iyon. Deeper and deeper to the point na hindi ako makakaahon.

"Gaano kita napapasaya?" tanong ko.

"Siguro? Araw-araw." aniya. Natawa naman ako.

"Really?"

Tumango sya. "Mm, you make me happy. Everytime I see you smiling at me, kapag tumatawa, kumakanta at iba pa. Napapasaya mo ako doon."

"I'm glad to know that. But you don't have any idea too how much you make me happy."

Napaangat ang kanyang kilay. "H-huh? What do you mean?"

"Para kang isang dagat" sabi ko sa kanya habang malalim syang tinitignan. "Magandang pagmasdan, pero nakakatakot kang langayuin. Kasi hindi matansya kung gaano ka kalalim, hindi alam kung saan lang dapat lalangoy. Baka kasi kapag sinubukan pang sisirin, hindi na makaahon. Dahil sa lunod, nakakalunod ka." sabi ko.

'Nakakalunod ka na tipong pati ako, hindi na alam kung makakaahon pa ba'.

"Ang deeo naman!" natatawang sabi nya. "Pero ganon ba talaga ako kalalim? Mahirap sisirin?" tanong nya.
"Hindi naman, basta may taong handa kang languyin hanggang kalaliman."

Napaisip naman sya. "May ganon bang tao? Yung handa akong languyin kahit napakalalim?"

Napabuntong-hininga ako. "Meron." sagot ko.

"Huh? Sino naman?" lumamlam ang kanyang mga mata.

'Ako.'

"Uy sino?" pangungulit nya.

Ginulo ko ang buhok nya. "Di ko pwedeng sabihin, not now."

Naasar naman sya. "Madaya!" singhal nya.

'I'll tell it someday, but not now. My happiness, you are my happiness'

A/N
Bawi ulit next time.
Sorry puu, nagbabasa din kasi si ako.
Enjoy! Nalalapit na ang pagtatagpos. :)

Kennedy's Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now