Sharlene's POV
At ayun na nga. Graduate na ako at eto na ang High school life. Sabi nila eto daw ang pinakamasayang parte ng buhay ng isang tao, dito mo daw lahat mararanasan ang first things: first crush, first love, first solid barkada, first gimik etc. Wala naman akong pake dun. Alam niyo ba kung saan ako may pake? Ang maranasan ang FIRST REGLA. Hahaha. Bantot no? Ang dami ko kasi naririnig na istorya about sa paghihirap nila eh. Kaya ayun. Medyo takot ang lola niyong dumugo ang kanyang pukelya. Hahaha.
Two days na lang pasukan na naman. High school na! Sa Manila Science High School nga pala ako mag-aaral. Horror student I mean Honor Student kaya ako. Hahaha. Wag ka may utak rin ang lola niyo no I mean lahat naman ng tao may utak, iba lang yung way ng pagfunction ng utak ko. Hahaha.
Okay enough na yan sa utak thingy. Andito ako sa bahay namin I mean sa bahay ng bruhilda kong Tita Grace. Malamedussa ang buhok na mukhang nirape ng isang daang baka. Di ko alam kung paano ko ieexplain ang itsura niya. Kayo na lang mag-imagine kung maiimagine niyo. Hahaha. May dalawa siyang anak. Si Pindeha 1 at si Pindeha 2. Just call them P1 at P2. Chos! Ayun tawag ko sa kanila pag ako lang mag-isa. Hahaha. Si Alexa at Mika Same age kami. Magaganda sila aaminin ko. Honesto ata itu. Hahaha. Kaso yung ugali, kasing itim ng kili kili ni Neggie. Hahaha.
Alexa: "Sharlengggg! Asan na yung brekafast ko? Diba sabi ko sayo kagabi ipagluto mo ako ng pancakes with milk?"
Ay ayan na nga, gising na pala si Pindeha 1. Oo, hindi ko naman nakalimutan yung sinabi niya sa akin kagabi. Di ko lang nagets. Ipagluto ko daw siya ng pancakes with milk. Ano yon? Isasabaw ko ang milk habang niluluto ang pancakes? Hahaha -___- Bobita ang peg. Malamang gusto niya uminom ng Milk. Lagyan ko kaya ng lason yung milk tapos matutulog siya ng habang buhay parang sleeping beauty tapos ang makakabreak lang nun eh isang kiss ng ipis. Charot! Maleficent ang peg. Hahaha.
Kumatok na ako sa pinto ng kuwarto ni Alexa.
Sharlene: "Pindeha 1 eto na yung panglafang mo!"
Alexa: "Ha? Anong sabi mo?"
Ganda nga. May tutuli naman sa tenga -__-
Sharlene: "I mean andito na yung breakfast mo"
Alexa: "Ilagay mo na lang sa table ko. Ang bagal mo talaga!"
Sharlene: "You're welcome po."
Pumasok na ako sa kulungan I mean sa kuwarto pala niya. Yun yung way niya ng pagpapasalamat niya kaya sinabi ko na you're welcome. Wag na kayong magtaka. Certified Pindeha siya eh.
Di pa ata gising si Pindeha 2. Snow White lang ang peg. Nakakain ng panis na mansanas? Hahaha. Chos. Magising na nga. At baka kinain na yun ng kama niya.
Sharlene: "Mika. Gising na po. Nakapagluto na ako ng breakfast. Kain na po kayo."
Tarush ko. Anghelita. Nagpopo. Hahaha.
Mika: "I'm stil fixing my hair. So please wait."
Sharlene: "Sabihin niyo po yan sa pagkain huwag sa akin. Maintindihan po sana kayo ng pagkain. Hintayin niyo na lang po yung reply nila. Ge. Babush."
Mika: " Niloloko mo ba ako Sharleng?"
Sharlene: " Hindi po. Niloloko ko po yung mga pagkain. Wag po kayong feeler."
Mika: "Sharlengggg! Humanda ka sa akin mamaya! Huwag mong buwisitin ang umaga kooooo!"
HAHAHAHAHAHA. Ang ganda ng umaga ko dahil dun. ^__________^
At bumaba na ako kaso nakasalubong ko si Medussa.
Tita Grace: "Sharlene di ba sabi ko sayo hugasan mo ang mga plato bago ka matulog."
Sharlene: "Nahugasan ko naman po yun lahat tita ah."
Tita Grace: "Tignan mo yung kusina para malaman mo"
At narinig kong nagsalita si Pindeha 2.
Mika: "Oo nga pala nakalimutan kong sabihin kumain nga pala kami ng mga kaibigan ko kagabi. Hahahahahaha. Wawa ka naman Sharleng. Good morning mommy!"
Kapag anak ka nga naman ng Santa Santita oh. Jusko. Bakit di pa siya binangungot kung kumain siya nang gabing gabi na. Nako. Impiyerness nakaganti siya. Pero yakang yaka ko namang maghugas.
Sharlene: "Sige po huhugasan ko na lang po yun."
Tita Grace: "Sige. Pakiayos na rin ang mga kuwarto ng mga anak ko."
Sharlene: "Sige po."
Mika: "Mommy! Oo nga pala aalis kami ni Alexa. Gagala kami with my friends. We are going to MOA. Can I ask for money?"
Tita Grace: "Kuhain mo na lang sa wallet ko."
HUWAW HA. Alam na ng mga anak niya kung paano lumandi tapos ako pa rin mag-aayos ng kuwarto nila. Jusko. Kaimbiyerna.
Makapagsimula na nga ng mga gawaing impiyerno. Ay akala ko nasa impiyerno ako. Bahay pala itu. Hahaha. Gawaing bahay dapat.
Wohoooo. Kaya ko itu. Go Sharlene!
