"Hon, ano bang gusto mong kainin mamayang dinner. Ipaglulu---"
He looked at her blankly. "Don't bother. I'm coming home late. " putol nito sa sasabihin niya sana.
Linagpasan lang siya nito at nagmamadaling umalis. Nasa sala talaga siya dahil inaabangan niya ang asawa para tanungin kung ano ang gusto nitong hapunan pero ito ang napala niya.
Rejection! Great ! Just Great!
She sighs in disappointment when she heard the door closing. Gusto lang niyang pagsilbihan ang kanyang asawa gaya ng pinapangarap niyang mangyari pag nagkaroon siya ng asawa.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang trato ni Heaven sa kanya. He became distant and cold towards her. Hindi naman ito ganun bago sila nagpakasal.
It's been three weeks since their marriage pero laging ganun ang trato ni Heaven sa kanya na as if hindi siya nag eexist sa paningin nito at para pa siyang may nakakadiring sakit dahil lagi itong umiiwas kung nagtatangka niya itong kausapin. Pati honeymoon nila sana sa Paris kung saan sila nagpakasal ay naudlot din dahil nagkaroon daw ng problema sa opisina. She tried to understand him , at iniisip na baka malaki nga ang hinaharap na problema ng asawa.
Three days before their marriage , napansin na niyang parang nag-iba ang trato ni Heaven sa kanya, he became cold and grumpy. Naging usap usapan na rin sila nung araw ng kasal dahil nahuli ito ng dating at nung tinanong ito ng pari, halos tatlong minuto bago siya sumagot ng I DO. Malaking kahihiyan yon sa kanya dahil parang ayaw nitong magpakasal sa kanya Pero kahit ganun she tried to understand him, ipinagkibit balikat niya lang ito and she tried her best to be a good wife to him.
She's in deep thought when her phone rang. Tinungo niya ang centre table kung saan nakapatong ang nagriring niyang telepono. Dali dali niya itong sinagot ng makitang ang nag-alaga sa kanya noon ang tumatawag.
She cleared her throat. " Hello po mama. Kumusta po? " pinilit niyang pinasisigla ang boses. Mama talaga ang nakasanayan niyang itawag dito kahit hindi naman niya ito kadugo. Ito ang mother superior sa bahay ampunan kung saan siya lumaki.
"Kuhh, ikaw talagang bata ka. Ayos lang kami dito ng mga kinakapatid mo. Yung mga bata heto at namimiss ka. " narinig niya sa kabilang linya ang ingay ng mga batang tinuring na niyang mga kapatid.
Umupo siya sa sofa at sinandal ang katawan sa back rest nito. "Hello mga kapatid, Kumusta kayo jan? namiss kayo ni ate. " mangiyak ngiyak niyang saad. Mukhang niloud speaker ito ng kanilang mama dahil nagsiiyakan ang mga bata sa kabilang linya at nagkanyakanyang i miss you too sa kanya.
She spend her day talking to her beloved family. Maraming kwento sa kanya ang mga bata gaya ng mga achievements ng mga ito sa school, mga sinalihang contest sa kanilang probinsya at marami pang iba. Kahit papano ay naaliw naman siya at pansamantala niyang nakalimutan ang kanyang mga isipin.
"Ayy ang mga batang areh. Sobrang namimiss ka nila. O siya tama na yan mga bata at busy ang ate niyo. Ako muna ang kakausap sa kanya. Kumusta ang buhay mo jan sa maynila? "
Pinunasan niya ang nangagilid na luha at pilit pinakakalma ang boses. " Ayos lang ho mama. "
"Eh ang buhay may asawa? " natigilan siya sa sumunod nitong itinanong but she compose herself and answered.
"A-ayos naman po. Sa k-katunayan eh, ang bait bait po ng napangasawa ko at maganda naman ho takbo ng relasyon namin. " wala na siyang choice. Mag-aalala sa kanya ang mga ito kaya't minabuti niyang magsinungaling na lang.
"Mabuti naman at ganun anak. Mukhang masaya ka nga riyan anak. O siya, yun laang ang sasabihin ko. Mag-ingat ka parati riyan anak at wag mong kalimutang magdasal sa Panginoon. "
"Opo mama. " And she ended the call.
Nakatitig lang siya sa kanyang telepono ng matapos ang tawag. May taong gusto niyang tawagan pero nag-aalanganin siya. Wala namang mawawala kung susubukan niya diba?
She dialed her husbands number, pero nakakatatlong ring palang ito ng patayin nito ang tawag. Sinubukan niya ulit ng maraming beses pero pinapatayan lang siya nito at sa huling subok niya hindi na ito ma contact.
Malamang inioff nito ang telepono. She sighs. Something is wrong, she can feel it at kung anuman iyon, siguradong masama.
A/N: Pag ganyan lang ang magiging buhay ko pag nagkaasawa, a BIG NO THANKS!! Mamatay na akong single.
#EDITED
BINABASA MO ANG
I'm the Wife of the Demon
قصص عامة*NOON* He's my BOYFRIEND. He's SWEET. He's a GENTLEMAN He's my WORLD. *NGAYON* He's my HUSBAND. He's RUDE. He's HEARTLESS Yet He's still my World. MARTYR? That's her alright. She hated herself for what happened . Nang dahil sa isang pagkakama...