Hindi ko inaasahan, hindi ko inaakala. Na ang ating pagkakaibiga'y biglang mawawala.Hindi ko alam, kung anong mangyayari.
Kakayanin ko ba? O Ikasisira ko na?
Ako ba'y dapat malungkot? O dapat masaya.
Makakahanap pa ba ako ng iba? O Sa puso ko'y kayo lang talaga?
------
Magkakaibigan kami, simula 1st year High School. Alam na namin ang sikreto ng isa't-isa. Pati kahinaan, alam na namin. Pass word? Nagpalitan na kami n'yan. Inshort, TAPAT na kami sa isa't-isa. Walang sikretong tinatago.
Araw-araw, gabi-gabi, oras-oras, minu-minuto. Magkakasama kami. T'wing may assignment tulong-tulong kami. 'Pag may sagot ang isa, sagot na nang lahat.
Kapag nakauwi na ang lahat, icha-chat na namin ang isa't-isa. Kahit ilang kilometro lang ang layo ng mga bahay namin.
'Pag may problema ang isa, problema na nang lahat. Tulong-tulong para malutas ng maaga.
'Pag brokenhearted ang isa, susugurin namin yung nanakit sa kaibigan namin. Resbak kumbaga. Kami lang kasi ang maaaring manakit sa kaibigan namin. Hindi boyfriend, hindi kaklasi, kundi KAMI LANG .
Pero, totoo nga ang kasabihan. Lahat ng bagay nawawala.
Simula nung lumipat ako ng paaralan ay, dumalang ang pag chachat. Dumalang ang pag-uusap, dumalang ang pagkikita.
Dumating rin sa point na, nagkatampuhan kaming tatlo dahil lang sa isang lalake. Lalaking minahal naming tatlo. Lalaking naging mitsa ng pagkakalabuan naming magkakaibigan.
Tatlo kaming nagustuhan siya, hindi naman sa pagmamaybang. Pero sa aming tatlo, ako ang niligawan niya. Naging kami, pero 1 month lang, tatagal pa sana kung hindi lang dahil sa kanya.
Oo, kaibigan ko ang sumira ng relasyon namin. At lubha akong nasaktan sa nangyari. Hindi ko naabsorb. Kunyari, hindi ko na lang. Nagpakabulag ako. Mahal ko eh.Dumating rin sa point na, sinisi ko siya, nang dahil sa kanya, sumuko kami sa isa't isa.
Sa nangyaring 'yon, natuto akong manakit ng tao. Natuto akong maglaro ng feelings. Nasubukan ko na rin manira ng relasyon. Na lubos kong pinagsisihan.
Napagtanto ko rin na, dapat inuna ko yung mga kaibigan ko. 9 years ko na silang kilala. Samantalang yung lalaking minahal ko, hindi pa umaabot ng kalahating taon.
Iniisip ko, nagpakabulag ba ako sa pag-ibig? Masyado ba akong naging mapusok sa ganitong bagay?
Hindi ko man lang pinakinggan yung eksplinasiyon nila. Tatanggapin ko ba? O isasantabi ko nalang yung siyam na taon naming pinagsamahan?
Naguguluhan ako, hindi ako makapag-isip ng maayos.
Napagdesisyonan ko na, lunukin muna ang pride ko. Para 'to sa pagkakaibigan namin. Kailangan kong makipagbati sa kanila. Hindi lang para sa ikatatahimik ng puso ko. Kundi para sa pagkakaibigan namin
Naging masaya ulit yung samahan namin. Ilang buwan na rin simula nung huli kaming nagkita. Pero, kapit lang kami. Dadating rin yung tamang oras para magkita ulit kami.
Bakasyon na, tatlo kaming may kanya-kanyang award. Isang goal ang natupad namin ng magkakasama.
Ilang araw bago ang recognition, nagkaproblema na naman. Isamg maliit na problema, na magiging mitsa ng pagkakasira ng pagkakaibigan namin habang-buhay.
❀❀❀❀
Gerlyn: Hi guys! Sorry kung 'yan lang yung nakayanan ko. Hehe. Amateur pa kasi ang lola mo! Unang story ko itech kaya, pagtiisan niyo muna. Hehez. Chapter 1 naaaaa! Thank youu. Lablots :)Date Started: 04-04-18
Thank you hermiiing sa cover.