A/N: This is the Finale. THE END! This is Enzo's POV. So all your questions and curiosities about him, nandito na po lahat yun. THANK YOU so much po sa pagsubaybay nyo sa MR. SAKRISTAN hanggang sa huli. I'm so happy and proud na natapos ko to, at super daming nakarelate dito, maybe because it's a cliché story! So hope, you'll enjoy reading the last page. SALAMAT! ^_^
SONG: REALIZE by Colbie Caillat. - You can play the song while reading. That's the song na pinakikinggan ko while making this part. - MV on the side >>>>
EPILOGUE - MR. SAKRISTAN
First Sunday. First mass in Simbang-Gabi. It always reminds me of the first time I was an "altar server" or commonly known as SAKRISTAN. I was 9 years old that time at nasa Grade 3 palang ako nong pinasali ako doon ni Mama. Isa sa mga commentators ang Mama ko kaya palagi din siyang laman ng simbahan at ako ang palagi nyang sinasama sa tuwing nagpupunta sya roon.
Nong una... aaminin ko, ayoko talaga maging altar boy sa kadahilanang tamad ako gumising ng maaga, at ayoko din mai-expose sa madaming tao kapag nasa harap ng altar. Wala na din akong nagawa nong pinalista ni Mama ang pangalan ko. But later on, I started to enjoy it.. masaya pala sa pakiramdam to think na.. sa simpleng paraan, I can serve God and I feel blessed everytime na nasa altar ako. Although, at first.. I just thought na madali lang ang maging Sakristan, by the way I see it before pero nong naging Sakristan na ako, doon ko lang narealize na mahirap din pala, ang daming rules, bawal magkamali, palagi din dapat alerto at higit sa lahat sobrang limited lang din ang kilos namin kapag nasa unahan kami ng altar.
Kaya nong unang sabak ko, magkahalong excited at kaba ang naramdaman ko dahil ako din ang naatasan magpatunog ng bell. Sobrang kaba ko non na baka mapatunog ko yun ng wala sa timing. Halos punong-puno pa naman ang simbahan non dahil unang araw ng simbang gabi so I was afraid to make a mistake while assisting and serving in the front. But thanks God, natapos ang mass na hindi naman ako nagkamali.
Katatapos ko lang magserve, bago kami umuwi ni Mama, inutusan nya kong magsindi ng kandila sa candle room, pinauna nya na ako magpunta roon dahil hinanap nya pa si Manang na suki nyang nagtitinda ng sampaguita. Pagkapasok ko sa loob, naghanap kaagad ako ng bakanteng mapagsisindihan ng kandila at doon sa bandang dulo ko napiling magsindi. Pagkasindi ko sa tatlong kandilang dala-dala ko, I closed my eyes and I prayed with my hands on my chest..
"Papa God... thank you po talaga! Naging perfect na naman ang Sunday ko dahil nasulyapan ko ulit siya, kahit saglet lang yun buo na po ang buong linggo ko. Ansaya! Sana po, next Sunday, ganito ulit.. hihihi!"
I raised my brow after I heard it. I glanced my half open eyes on her.
Isang batang babae ang nakita ko sa tabi ko..maputi siya na may pagkakulot ang buhok sa ibaba at medyo matangkad lang sya sa akin ng kaunti kaya una akong napatingin sa mukha nya, nakapikit ang mga mata at ngiting ngiti habang nagdarasal siya.
Iminulat ko ng maayos ang mga mata ko just to see her face na nakaside view saken. I don't know but at that moment.. napatitig lang ako sa kanya, hanggang sa unti-unti nya ng iminulat ang mga mata niya, but I couldn't take off my eyes on her. Nong lumingon siya saken.. that was the first time I'd seen her smile.. her genuine smile.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN [FIN]
Ficțiune adolescenți❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reserved.