THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Kasalukuyang gumagawa ng project ang labing limang gulang na si Kate nang tawagin siya ng kaniyang ina.
"Kateeee!"
"Poooo?"
Nag hintay saglit si Kate sa sagot ngunit hindi na sumagot ang kaniyang ina, kunot noo na sana siyang bababa para alamin nang makarinig siya muli ng pagtawag.
"KAAAATEEE!!"
"POOOOO?!"
Nakalimutan niyang medyo bungol nga pala ang kaniyang ina. Natawa nang mahina ang dalaga.
"Pupunta akong palengke, bantayan mo itong tindahaaaaan!" Sigaw muli ng kaniyang ina.
Tumayo si Kate at dinala ang sandamakmak na assignments na kailangan niyang gawin ngayong araw na ito. 3 araw kasi siyang absent dahil kagagaling niya lang sa sakit.
"Eto na poooo!" Sigaw ng dalaga habang buhat buhat ang 4 na notebook at 5 libro.
Dali dali siyang bumaba dahil masakit ito sa kamay.
"Shet, ang bigat," bulong ng dalaga sa kaniyang sarilli.
"Oh sige, una na ko," sambit ng Ina niya na nasa pintuan na.
"Ingat po!" Habilin ni Kate sa kanyang Ina. Tumango lamang ang ginang bago tuluyang umalis.
"Bwisit, 3 araw lang ako nawala, may sandamakmak ng assignment, geez," inis na sambit ni Kate sa kaniyang sarili bago ipagpatuloy ang pagsusulat.
Marami siyang namiss na seatworks, activity and quizzes kaya naman goal niyang maperfect ang assignments para naman mabawi ang mga nawala.
"Pabilan."
Tumayo agad siya nang makarinig ng bibili.
Naglakad siya papunta sa tindahan, hinarap ang lalaking nakatayo ng tuwid. Blangkong ekspesyon ang nakita ng dalaga nang humarap ang lalaki sa kaniya.
"A-ano yon?"
"Isang kape nga."
"A-anong kape?"
"Great Taste White."
Dali daling kumuha ang dalaga ng isa ng produktong ito. Iniabot niya ito sa lalaki kasabay ng pag abot ng lalaki ng saktong bayad. Umalis ang lalaki pero naiwang nakatulala ang dalagitang si KATE.
"Shemay, na-love at first sight yata ako?"
--
AUTHOR'S NOTE:
NEXT STORY, GREAT TASTE WHITE.
DE, JOKE LANG, NAPAGTRIPAN KO LANG TALAGA GUMAWA NG SPECIAL CHAPTER. WALA NA TALAGA ITONG BOOK 2 OR SEQUEL. HEHE.
ABANGAN ANG BAGO KONG "FANTASY" NA STORY.
COMING SOON!
-BeybiRows
BINABASA MO ANG
Load. (COMPLETED)
Короткий рассказCOMPLETED. Read Therese and Alex's unexpected and twisted love story. 🌹💖 Written by: BeybiRows.