Kabanata 37: Love Quarrel?

29.5K 905 226
                                    

|| Timmary's Point of View ||

"Yaya pakilagay na lang sa bag ko yung mga snacks. Thank you!"

Nagmamadali kong isinuot ang uniform at ang black shoes ko habang pine-prepare ni Yaya ang mga binili ko kahapon na snacks noong nagpunta kami nina Daddy sa Cebu.

Wala pa kaming isang araw doon at family business na naman ang inatupag namin. Ayoko ng ganitong sitwasyon at my age. 18 years old pa lang ako and I'm a damn teenager. I should enjoy myself out there and be with my friends pero hindi, lagi akong sinasama nina Mommy at Daddy sa mga trabaho nila.

Sino bang may sabi na madaling maging isang only child ng Eiselle at Atarah Family. Kilala at mayaman ang angkan ng mga Eiselle at mas lalo pa itong nakilala dahil naging Principal si Mommy sa BSU. Ang pamilya naman ni Daddy—Atarah family ay mga business man, ay kilala din sa buong syudad. Every week umuuwi si Daddy kaya dapat kapag umuuwi sya sa bahay at may business trip na kailangan kong sumama, wala akong karapatan na umayaw kahit ako pa yung pagod na pagod.

Argh. Being Eiselle and Atarah's child is goddamn hard. Minsan na nga lang nagiging childish ako dahil gusto kong makaramdam ng kaunting saya kahit sobrang stress at depress na ako sa bahay. Pero sige, sabihin na natin na nakukuha ko yung mga luho ko, but the happiness and the things that I want, those are the things that I wish I could get someday, and I'm happy I found a best friend like Dessy. Kahit ang kulit kulit at ang pasaway ko, she never left and disappoint me. She's the best friend that should treasure.

Pagkabigay sakin ni Yaya ng bag ko at ng ilang snacks na nakapaper bag, agad akong tumakbo papunta sa garahe para sumakay na sa kotse at pumunta na ng school. Hindi ko na nagawang i-text si Dessy dahil sa pagmamadali ko. Magkikita rin naman kami mamaya kaya no need na.

Ilang minuto ko lang tinahak ang kalsada at mabilis akong nakarating sa school. Sa sobrang bilis ko kasi magmaneho nagiging 15 minutes yung 30 minutes na byahe papunta sa BSU. Lalo na siguro kung walang traffic.

Agad kong ipinarada ang sasakyan sa parking lot ng school at dinala lahat ng snacks na binili ko. I know Dessy will like all of this foods. Paborito nya lahat ng pagkaing binili ko e. Patatabain ko ang isang 'yon. Hindi lang dapat ako yung medyo chubby chubby no. Friendship goals namin 'to kaya walang talo talo.

Pagkarating ko sa room, agad kong isinigaw ang pangalan nya pero iilan lamang ang mga kaklase kong nasa loob. Mga couples at naghaharutan pa. Nice. Gandang bungad. Sarap pagtsi-tsinalasin ng mukha.

Napanguso ako, "Asan si Dessy, guys?" I asked them while putting the paper bags in my chair. Ang bigat e. Ngalay na ko.

Nilingon ako ni She, ang baby faced ng room namin. "Hmm, I think dumaan sya sa likod ng Paradiso." Mabait syang kaklase kahit na ang tahi-tahimik nya. Nagulat nga ako nang s'ya yung sumagot sakin ngayon e.

Tumango-tango ako. "Okay. Salamat. Iwan ko muna 'to dito, and please don't galaw galaw it." Sabi ko sa kanila bago ako lumabas ng room.

Dali dali kong tinahak ang likod ng Paradiso. Sa Doom Area lang naman 'yon and I wonder why she chose to use that way without me. Hindi naman sya naglalakad mag-isa do'n dahil noon gusto nya lang akong kasama. Masukal kasi ang Doom Area at kahit na maganda ito, may makikita pa rin talaga ditong kapuna puna. Pero Doom Area is our favorite place. 



He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon