•Narrative•
Sa gitna ng pagmumuni-muni ko ay may isang Mokong-na-nagkatawang-tao-na-masarap-isaksak-ang-pangalan-niya-sa-kanya na bumatok sa'kin. Sobrang lakas no'n to the point na naalog pati kadulu-duluhan ng utak ko.
Nang makarecover ay sinamaan ko siya ng tingin at sininghalan. "Bakit ka ba namamatok? Ang sakit kaya no'n! "
Sa aking peripheral vision naman ay naaaninag ko na parang... nakakunit ang noo ni Tenecius at parang galit? Ewan. Baka naghahallucinate na ako sa lakas nang pagkakabatok sa akin.
Sinagot na ni Arrow ang tanong ko. "Binatukan kita kasi may gusto lang akong sabihin sa'yo. "
"Ayon na 'yon? Ay jusko sana tinapik mo na lang ako sa balikat para nakuha mo ang atensyon ko! Nakakairita ka talagang buset ka, panain kita diyan e! " ani ko at nandidilim na talaga ang paningin ko. Naku, if looks could kill lang talaga!
"Hehe. Peace na tayo. " sagot niya sabay ngiti ng malawak. Jusq nagpa-cute pa. Bahala pa rin siya sa buhay niya. "Basta, gusto ko lang sabihin na iniimbitahan tayo ni Tori sa handaan sa bahay nila. Birthday niya kasi sa Saturday. "
Ay ganern. "Birthday pala ni Chinita. E, bakit kailangang kasama pa ako? "
"Gusto ka pa raw niya kasing makilala, mukhang magkakasundo raw kasi kayo. " saad ni Arrow.
"At saka hindi Chinese si Tori, Half Japanese siya. " bigla namang singit ni Tenecius at saka umalis.
Ano bang problema no'n?
Jusq, e 'di magsama sila ng Japanese niya! As if I care, 'no.
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...