HSLT 60

57 1 4
                                    

•Narrative•

Sabado na ngayon, and that only means na birthday na ni Tori. Dapat ay hindi naman talaga ako pupunta, kaso nakakahiya naman kung hindi dahil nagpasama pa talaga si Tori kanina kay Arrow sa bahay para lang sunduin ako. Jusq feeling ko talaga kanina ako ay isang Super Duper Ultra Mega Very Important Person. Para namang hindi makakapag-birthday 'tong si Half Japanese nang wala ako!

So anyway, kanina pa talaga ako nakokonsensya kasi parang laging inis ako kay Tori kahit na sa totoo lang, ang bait bait bait niya, sobra!

On our way to their house, nakakwentuhan ko siya at pormal na nagpakilala na kami sa isa't isa. Sa sobrang pagkatuwa, parang nakalimutan na namin na kasama pa pala namin si Arrow. Hehe sorry naman.

Pagdating namin sa bahay ni Tori the half Japanese, agad na nagsimula ang salu-salo. Lunch pa lang ngayon, at magkahalong Filipino and Japanese Cuisines ang handa. Sarap!

Pagkatapos kumain ay nagkantahan sa videoke at syempre hindi nawawala sa mga kabataan ang... tenenenen! Spin the bottle!

Gumawa na kami ng isang malaking bilog at umupo sa lapag. Kahit kami lang ni Arrow ang taga-Academic F dito, hindi naman masyadong nakaka-OP. Nasa magkabilang gilid ko si Arrow at Tori, at syempre dahil sa kapansin-pansing closeness ng dalawa, hindi mapaghiwalay si half Japanese at Tenecius. E 'di sila na!

I mean, hindi naman sila na as in, sila, pero ahm... ano... basta!

Teka nga, bakit ba ako nag-aaksaya ng panahon sa pag-iisip ng mga ganitong bagay?

So ayon going back to the game, buena mano na natapatan si Tori the birthday girl. Ang pinili niya ay truth.

"Crush mo ba si Tenecius? " walang paliguy-ligoy pa na tanong ng mga kaklase nila sa Acad E.

Tumingin pa si Tori kay Tenecius bago sagutin ang tanong at ngumiti. "Oo naman. There are many reasons para magkacrush sa kanya. "

Taray. May pa-'tingin' effect pa e, 'no?

Napuno naman ng sigawan at tuksuhan sa buong living room. Ako naman at si Arrow e ngumiti lang. Duh! Ang ingay na nga, makikidagdag pa ba kami sa noise pollution? Saka hello, nakakahiya naman sa may-ari ng bahay pati sa mga kapitbahay.

Then ayon nga, pinaikot na ulit ang bote ng softdrinks na ininuman kanina. Halos pigil hininga na nga ako dahil slow motion ang pag-ikot. Shems! Akala ko sa akin matatapat. Buti na lang at kay...

"Winchester! Truth or Dare? " masiglang sambit ni Tori.

"Truth na lang. " ani Arrow at nagkibit-balikat.

"So... okay, bestfriend! Ahm... anong tipo mo sa babae? "

Saglit na natigilan si Arrow at para bang nag-iisip, pero maya-maya ay sumagot na rin ito. "Ang gusto ko... 'yong chubby cheeks at bilugan ang mata. Higit sa lahat... 'yong kayang sakyan 'yong mga trip ko sa buhay. "

Lahat ng mga kasama namin sa paglalaro ay biglang napatingin sa gawi ko. Wala namang umiimik, walang nagsasalita.

Pasimple naman akong napahawak sa mukha ko. Chubby cheeks... check!  Bilugang mata... check na check!

Tapos natandaan ko 'yong sa acting chenes. Kayang sakyan ang mga trip sa buhay niya... super duper ultra mega check na check!

OMG don't tell me...

Tulad ko 'yong tipo ni Arrow?

"Tenecius, Truth or Dare? " rinig kong tanong ni Arrow na nagpabalik sa akin sa wisyo. My gash, kung anu-ano ang iniisip ko! Hindi ko na namalayan na inikot na pala ulit ang bote.

"Truth na lang. " sagot naman ni Ten na parang chill-chill lang.

"Ayos. Ah Bro... may pag-asa bang ligawan mo ang bestfriend kong si Tori? "

Lahat ay natahimik at nag-aabang lang sa sagot ni Ten. Ano ba 'to, pasuspense!

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon