•Narrative•
"Ayos. Ah Bro... may pag-asa bang ligawan mo ang bestfriend kong si Tori. "
Isa. Dalawa. Tatlo... hanggang limang segundo. Hinihintay ng lahat ang isasagot ni Tenecius. Jusq, sobrang tahimik! Ako ang natetense, e!"Lahat naman siguro ng bagay, may posiblidad na mangyari. Hindi naman natin alam kung anong mangyayari sa hinaharap, 'di ba? "
Napuno ng samu't saring reaksyon mula sa mga kasama namin. Kesyo hindi naman daw talaga sinagot ng ayos ni Ten at madaya raw.
Ang masasabi ko lang?
Safe answer, ha.
Pinaikot na ulit ang bote. Kay Tenecius ulit tumapat kaya pinaikot ito ulit. Sa pagkakataong ito, kay Jeron na tumapat.
"Truth or Dare? "
"Dare na lang, para maiba naman. " sagot ni Jeron sabay kibit-balikat.
Bigla namang nag-smirk si Tenecius. Mukhang may masamang binabalak 'to sa kaibigan niya, ah!
"Tumayo ka sa gitna ng bilog. Kumanta ka ng Nadarang habang nags-sexy dance."
"Hahaha! Wooh! Go Papi Jeron! " pantutukso ng lahat, lalong-lalo na ng mga lalaki. Kahit ako tawa nang tawa kahit hindi pa nagsisimula. Hello, ang sarap kaya palambutin sa pressure cooker ng katawan ni Jeron dahil sa sobrang tigas. HAHAHA OMG I KENNAT.
Pumunta na sa gitna si Jeron at sinimulan na nilang patutugtugin ang Nadarang sa isang phone. Sinasabayan naman ito ni Jeron habang sumasayaw. Grabe, mukha siyang tuod! Hiyang-hiya na siya sa ginagawa niya e, lalo na't maraming kinukuhanan siya ng video. HAHAHAHA!
Nang matapos na siya, umupo na siya sa pwesto niya na pulang-pula ang mukha sa sobrang pagkapahiya. Tinawag niya si Tenecius. "Hoy Alta Miranda, paksyet ka. Gagantihan kita mamaya. "
Revengeful. Hahaha. Baliw talaga si Jeron.
Nang mahimasmasan na ang lahat sa sobrang tawa, pinaikot na ni Jeron ang bote. Patigil na sana ito sa kabilang side ng bilog kaso... biglang hinangin. Hala, hala, hindi pwede 'to! No, no, noooooooooooooo!
"Kiyarah! Truth or dare? " Jeron asked habang a wide grin was plastered in his face.
"Hindi ba pwedeng 'yong or na lang ang piliin ko? " Grabe, hindi ako makapagdecide!
"Ang tagal mo. Ako na lang ang pipili. Dare na lang, Kiyarah! " sabi ni Jeron with finality. Wala akong karapatang pumalag?! "Grabe... pinagbibigyan talaga ako ng pagkakataon. Haha. Kiyarah, mag-selfie kayo ni Tenecius. Dapat, nakaakbay siya sa'yo. Yieeee. "
WTH?
Pero the heck, bakit nga ba ako nag-WTH e wala namang kaso sa'kin kung magselfie kami ni Tenecius. Wala namang masama do'n, ah?
Kinuha ko na ang iPhone na nasa kamay ni Jeron. Binalingan ko ng tingin si Tenecius at nakitang masama ang tingin niya kay Jeron at parang sinasabing "Yari ka talaga sa'kin, patay ka mamaya. " Death glare kung death glare! Si Jeron naman e, ayon... nakangiti lang at parang balewala lang sa kanya.
Tumayo na si Tenecius at maya-maya pa'y naramdaman ko na ang kamay niya sa balikat ko. Ang lamig saka parang... nanginginig?
"Yiee... muling ibalik ang tamis ng pag-ibig! "
Hindi ko na lang pinansin si Jeron sa sinabi niya. Iminuwestra ko na lang ang phone na naka-front cam sa harap namin at ngumiti ng maayos. Syempre, kailangang maganda ako palagi!
Pagka-click ko ng capture button. Inabot ko na agad kay Jeron ang cellphone at tiningnan nila agad ang pic.
"Wooh! KiTen pa rin! " ani Jeron. "Oy kayong dalawa, tingnan niyo picture niyo! Ang saya-saya tingnan ni Kiyarah oh, tapos si Tenecius halatang nagpipigil ng ngiti! Saka teka... bakit namumula mukha niyo rito? Wala naman 'tong filter! "
Napuno ng "Oo nga" ang sagot ng iba. Pagkatapos ay sabay-sabay na nag-'Ayiee'.
Tinakpan ko na lang ang mukha ko dahil sa hiya. Ano ba, kanina si Tori at Tenecius, ha? Dapat si Tori na lang! Ano ba naman 'to...
"Papaikutin ko na 'tong bote, tumigil na kayo! "
Haaay, mga buset! KiTen, KiTen, che!
Pero infairness, nang pinakita ni Jeron ang pic, maganda nga naman ang kuha. Ang ganda ko do'n, e. Oo, 'yon lang ang dahilan. Wala nang iba!
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...