Late na naman akong makakauwi nito. Ang hirap pa naman sumakay ng bus ng bandang ala-una ng madaling araw. Sobra pa ang pawis ko. Katulad na lamang ng mga taong panggabi ang trabaho ['wag ka mag-alala, hindi ako nagbebenta ng kalamnan] at gaya ng nakasanayan ng mangilan ngilan. Hayun naghihintay na naman ako ng masasakyan pauwi. Minsan, gusto ko ng makitabi sa mga construction workers na sarap na sarap sa pagtulog. May nakanganga, may medyo nakadilat ang mata, may humihilik at may tahimik lang na binabaybay ang dreamland.
Biglang may humiyaw. Napalingat naman ako sa dako ng babaeng may katabaan at sa tingin ko'y gaya ko, kanina pa nag aantay ng masasakyan. Biglang napamura ang babae at ang buong akala ko naman ay nanakawan na sya o nahablutan ng bag, yun naman pala'y hindi lang huminto ang bus sa kanya. Natawa tuloy ako. Masyadong "hot" si ate na kung susumain ay pwede na sya sa super saiyan 5 o mga sige, 7.
Sa wakas! may bus na din na maaaring sakyan. Dating gawi, upo, bayad, kuha at tayo. Isang paradahan na lamang at malapit na ako sa destinasyon. For sure, inaantay na ako ng kama ko. Pagkababa ng bus, jeep naman ang sasakyan ko. Ok naman, madali lang sumakay dito kaya, walang isang minuto ay nakaupo na ako sa lumang kutsyon ng pampasaherong jeep. Napakalas ng radyo sa nasakyan ko, yung mga kanta wala lang ang lyrics. Walang kabig sa mga listeners, napabusangot naman ako. Kung titignan ay halos lahat ng mga tao'y iisa lamang ang nais sa mga oras na iyon, "ang makauwi at makapagpahinga".Tumpak yan, yan din kaya ang nasa isip ko. Nag-abot ng bayad at nagmuni muni kasabay naman ng pag-ugong ng makina.
Mga ilang minuto lamang ang nakalipas ay may dalawang nagsuntukan sa loob ng aking sinasakyan. Grabe daw ang titig sa kanya ng lalaking nasa tapat kaya hayun at inumbagan na nya. Panic mode ang lahat, may mga ilang umawat. Pasalamat na nga lang ako't walang naki-join. Natawa ulit ako. May kapangyarihan yata ang pagtitig at kaya kang mapasuntok ng wala sa oras. Andar ulit ang jeep at pinababa na lamang ang dalawa. Sa wakas malapit na din, ng sasabihin ko na ang magic word na "para", sumigaw naman si kuya ng pagkalakas lakas at sabay sabing "napakabingi mo, sabi ko para!!!". Sa tingin ko naman ay once pa lamang sya nagsalita dahil kanina'y humihilik din sya, masyado ding "hot" si kuya dahil siguro sa pula nyang kausotan o sa mala-sinigang nyang amoy. Napahagikgik ako papaloob.
Nakakatawa na ang mga tao ngayon. Ang mga napaka- simpleng bagay masyado ng pinupuna, pinalalaki at pinapakomplikado. Hindi ba't nakakapagod yun? Dapat chill lang lagi, hanapin ang pinakamadaling paraan at matutong huwag ipilit ang kagustuhan kung wala naman talagang magagawa. Ano pa man yan, kaibigan. Life is easy but we insist on making it complicated.
Remind yourself: I think easy.
BINABASA MO ANG
ANG NAGSASALITANG LIBRO
Genç Kız EdebiyatıKung kaparehas kita ng karanasan sa buhay, kaparehas ng opinyon, kapanig at kaugnay ng mga ideya, ang nagsasalitang libro na ang bahala sayo. Imumulat ka nya sa maari mong paniwalaan at panigan. Kaibigan, maligayang pagbabasa!